Isa sa mga pinakamahalagang aspeto ng pag-aalaga ng free-range chickens ay ang pagbibigay-proteksyon sa mga ito. Ang pagyari ng fencing para mailayo ang mga ito sa mga ligaw na hayop sa paligid ng iyong bakuran ay dapat laging pulido.
Bagaman nakakalito ang pagpili ng mga tamang gamit para sa iyong bakod, kailangan de-kalidad ang mga gamit sa paggawa nito. Kung hindi rin lang matibay ang iyong bakod para sa iyong chicken coop, maaaring mas malaki pa ang mawalang kita kaysa sa puhunan mo para sa negosyo.
Mainam na malaman ang ilan sa pwede mong gamitin para gumawa ng isang matibay na fencing, tulad ng chicken nets, chicken wire, at iba pang mga sumusunod:
Chicken Wire
Halos lahat ng mga beteranong tagapag-alaga ng free-range chickens ay gumagamit ng chicken wire upang mapanatili sa loob o labas ng tangkal ang mga alagang manok. Kailangan lang tandaan na hindi sapat ang chicken wire upang protektahan ang iyong mga free-range chickens laban sa mga malalaking ligaw na hayop tulad ng aso, dahil kayang-kaya ng mga ito sirain ang wire.
Kung may alaga na mga sisiw, hindi rin uubra ang chicken wire na pwede lusutan ng mga ito. Iwasan gumamit ng nito sa iyong mga coop vents, pasukan o bintana, pati na ang iyong mga run lalo na kapag madalas maiwan ang mga manok sa bakuran.
Gumamit lang ng chicken wire bilang pantakip sa run area para hindi makapasok ang mga ibon. Magagamit mo rin ito sa pagbukod ng iyong run tuwing may mga bagong free-range chickens na idadagdag sa iyong kawan. Mabisa rin ito kung gustong paghiwalayin ang iyong inahin sa mga sisiw nito sa loob ng isang coop na nakabukod pa sa ibang mga manok.
Free-range nets
Tulad ng chicken wire, ang free-range nets na kalimitang gawa sa polypropylene mesh ay mainam na pang chicken net fencing para sa iyong mga manok. Iba’t ibang sukat ang mga butas ng mga free-range nets tulad ng matatagpuan sa Philippine Ranging Nets kaya napakarami ng gamit nito sa iyong bakuran.
Bukod sa mura, pwede rin itong gamitin sa iyong garden area para hindi masalakay ng mga ibon, manok, o iba pang hayop ang iyong mga tanim.
Madali itong gamitin, at pwedeng-pwede sa pangmatagalang gamit kung de-kalidad na klase ang iyong bibilhin. Isa pa, mabisa ito bilang panakip o panilong sa iyong free-range area sa tuwing pinapagala dito ang mga manok sa umaga o hapon.
Chain link fencing
Maganda ring pang-fencing ang isang chain link na gawa sa lumang kulungan ng aso. Takpan lang ng free-range nets ang babang parte nito. Ito ay upang hindi mapasukan ang iyong chain link fencing ng mga ligaw na hayop.
Hindi man maiiwasan na makapasok ang mas maliliit na hayop, sigurado ka namang malayo ang iyong mga alaga sa mas mapanganib na mga hayop sa labas.
Electrical fencing
Kung nag-aalaga ka sa lugar na mas maraming ligaw na hayop, mas mainam gumawa ng chicken fencing na electrical o de kuryenteng bakod. Lagyan ng isa pang layer ng bakod na gawa sa isang two-wire system. Ang unang aluminum wire na may haba dapat na apat hanggang anim na pulgada mula sa lupa, at ang isa ay may sampung pulgada mula sa lupa.
Bagama’t magastos ang paraan na ito, mas protektado naman ang iyong mga alaga kahit pa mas malawak ang area ng iyong free-range chickens.
Mga huling paalala
Kung bisa at presyo ang tutuusin, free-range chicken nets ang pinakamainam para sa iyo. Subok na itong mabisang materyal para sa fencing, at talagang abot-kaya ang presyo nito.
Ibaon ang iyong bakod ng may walong pulgada sa lupa at nakaanggulo gaya ng letrang “J” na nakaturo palabas. Ito ay upang hindi makapasok ang mga hayop na kayan humukay sa lupa.
Huli sa lahat, magdagdag ng mga bato, bubog, at iba pang debris sa kanal na hinukay para mas matibay ang pagkabaon ng iyong free-range nets nito. Nakamura ka na, maasahan mo pang pangmatagalan ang proteksyon nito para sa iyong mga alaga.
Para sa mga de-kalidad na free-range nets, bisitahin ang Philippine Ranging Nets upang malaman ang ilan pang pwedeng alternatibong chicken nets para sa fencing ng iyong alaga.