Mahirap isipin na ang kulambo o mosquito net ay maaari pang gamitin sa ibang dahilan bukod sa proteksyon laban sa mga lamok. Marami sa atin, lalo na ang mga nakatira sa mga mapunong lugar sa probinsya, ang natutulog nang may kulambong nakabalot sa kanilang higaan. Pero kapag ito ay nanluma na o nasira, dapat bang ito’y itapon na lang?
Pwede nating gamiting muli o i-recycle ang lumang kulambo. Magandang ideya ito para sa mga nagtitipid, at ito rin ay makabubuti para sa ating kalikasan. Kung nais mong malaman kung paano masusulit ang recycled mosquito nets, sumige ka lang sa pag-scroll!
Bakit Dapat Mag-Recycle Ng Mosquito Nets?
Ang de-kalidad na kulambo ay gawa sa matitibay na materyales tulad ng polyethylene at polyester. Sila ang dahilan kung bakit matagal ang shelf life ng kulambo, o sa ibang salita, bakit matagal itong masira.
Mahalaga ang pag-recycle ng mosquito nets sapagkat madalas na maganda pa ang kondisyon nila kahit pagkatapos ng matagal na panahon ng paggamit. Sa pamamagitan ng pag-recycle ng mga kulambo, magagawa mong magtipid, lalo na kung magiging praktikal at creative sa iyong gagawing recycling project.
Imbis na bumili ka ng kung anu-ano, baka pwede mong gawin na lang ito gamit ang luma’t malinis na mosquito net?
Recycling Ideas Para Sa Lumang Mosquito Nets
Base sa isang pag-aaral na ginawa noon sa Kenya, marami-rami din ang pwedeng gawin para mai-recycle ang mga lumang kulambo.
- Maaaring gamitin ang mga pinaglumaang kulambo bilang pampatibay o pampatigas ng mga bakod at kabahayan, lalo na kung ang orihinal na materyales ay prone sa kalawang gaya ng yero o corrugated iron;
- Pwede rin itong ilagay sa bahay ng mga manok o chicken coop, basta siguraduhing linisin ang mosquito nets at tanggalin ang gamot na panangga sa mga lamok dahil maaari nitong malason ang mga alagang manok;
- Mayroon ding gumagamit ng recycled mosquito nets bilang screen sa mga bintana, na siya ring isang mabisang paraan upang hindi makapasok ang mga lamok o langaw kahit nakabukas ang bintana;
- Kung gugupitin bilang maninipis na strips, maaari din itong gamitin bilang pantali sa mga hayop;
- May mga nagre-recycle ng kulambo bilang pangtakip sa mga balon at lalagyanan ng tubig—para dito maaari pa ring gumamit ng net na may kaunting treatment upang iwasan ang panganganak ng mga lamok at pagdagsa ng kiti-kiti sa tubig;
- Maniwala ka man o hindi, mayroong mga residente sa Kenya na gumagamit ng lumang mosquito nets upang panghilod sa katawan habang naliligo;
- Maaari din naman itong gawing alternatibo sa sponge sa paghugas ng mga pinagkainan, pero mas marerekomenda itong gamitin sa iyong pots at pans—kahit anong kaya ang magaspang na panglinis upang ‘di kailangang alalahanin ang posibleng maiwang scratches nito;
- Kung talagang seryoso sa pagiging malikhain, pwede rin itong gawing materyal para sa damit at accessories;
- Ang ilan namang kabataan ay ginamit ang recycled na kulambo bilang jump ropes at tali sa mga swing.
Pero bukod pa sa mga nakalista sa itaas, marami pang ibang makabuluhang paraan upang magamit ang lumang mosquito nets. Isang magandang halimbawa na ang paggamit nito sa iyong garden enclosure.
Para Sa Sure Na Proteksyon, Gumamit Ng Bagong Nets
Marami mang pwedeng magawa gamit ang lumang mosquito net, isang ekis pagdating sa recycling nito ay ang paggamit muli para sa pagpuksa ng mga lamok at langaw. Kung ito ang nais, dapat lamang na bumili ng bago at garantisadong pangmatagalan ang gamit.
Kung ikaw ay naghahanap ng panibagong kulambo na sigurado ang gawa at matagal ang paggamit, dito ka na kay Philippine Ranging Nets. Sa amin ay makakabili ka ng mosquito nets at iba pang mga uri ng nets na gawang world-class pero abot-kaya. Order na!