Noong kailan lang, marami ang umiwas sa pagkain ng manok dahil sa himagsik ng bird flu. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ang bird flu o Avian influenza ay isang virus na natural na dinadapuan ng mga ibong pantubig at may posibilidad na makuha ng mga domestic poultry at iba’t ibang uri ng ibon and hayop.
Sadyang nakakaapekto ang bird flu sa kalakalan ng industriya ng poultry farming, kaya importante na alagaan ang kapakanan ng mga manok upang mabenta ang mga ito at para sa peace of mind ng ibang mga Pilipino. Una sa lahat, dapat iklaro na hindi karaniwan na maapektuhan ang mga tao ng bird flu ngunit mas nakakaigi na maging maingat para makaiwas sa sakit. Ito ang mga iba’t-ibang paraan upang labanan ng mga manok ang bird flu:
1. Ipasok ang mga manok sa loob ng isang compound
Upang makaiwas sa mga wild fowls, mas mabuti na ipasok ang mga manok sa isang compound o gamitan sila sa ng shade net. Ito ay para maiwasan ang kanilang interaksyon sa mga wild fowls na maaaring mayroong bird flu.
2. Gumamit ng free range nets
Kung walang posibilidad na pwedeng ipasok ang iyong mga manok, maaaring gumamit ng free range nets. Pinoprotektahan nito ang iyong mga manok sa iba’t ibang uri na mga banta sa kanilang kalusugan. Sa ganitong pamamaraan, maaari pa silang gumalaw ng mapayapa.
3. Linisin ang pasilidad ng mabuti
Importante na regular na nililinis ang pasilidad ng mga manok hindi lang para sa kanilang overall na kalusugan, kung di para maiwasan ang banta ng bird flu. Makakatulong din ito sa kalidad ng mga manok na iyong pinapalaki.
4. Babaan ang numero ng bisita ng mga manok
Mas makakabuti na bawasan ang numero ng mga tao na nakakasalamuha ng iyong mga manok para sa kanilang kapakanan. Kasama na dito ang access sa mga equipment o mga sasakyan na may interaksyon sa iyong mga manok.
5. I-report ang mga sakit o pagkamatay ng mga manok
Kailangan regular na i-monitor ang kalusugan ng mga manok. Kapag mayroong ilang na may sakit, dapat madala agad ang mga ito sa isang veterinarian upang masuri. Sa insidente ng pagkamatay ng isang manok sa iyong flock, dapat ma-ireport rin ito para masuri kung dahil ito sa bird flu o hindi.
Kailangan maging maingat upang maprotektahan ang mga manok sa banta ng bird flu. Ang kalidad ng iyong manok ay nakasalalay sa kanilang kalusugan, kaya’t importante na mamuhunan sa mga kalidad na kagamitan tulad ng free range nets ng Philippine Ranging Nets. Hindi lamang range nets ang aming ino-offer, meron din kaming shade nets, perpekto para sa mga plantito at plantitas!
Let the experts help you out on your new free range venture. Check out Philippine Ranging Nets and our line of quality Filipino-made products including range nets, shade nets, and other poultry raising accessories. Send us an email at [email protected] or call +63977 007 0228 to learn more.