Ang pag-aalaga ng mga manok ay isang nakakaaliw na trabaho para sa maraming Pinoy poultry farmers. Sino nga ba ang hindi matutuwa sa paghahandog ng mga ito ng itlog at tubo kapag naibenta na ang karne ng mga ito sa merkado? Masaya ang mag-alaga ng mga manok pero ito rin ay isang bagay na nangangailangan ng matinding preparasyon.
Para mas mapabilis at mapadali ang iyong mga unang hakbang sa poultry farming, narito ang ilang mga bagay na kakailanganin mo lalo na kung ikaw ay isang first-timer.
1. Patubig at kainan
Kahit sinong beteranong poultry farmer ay makakapagsabi na medyo makalat talaga ang mga manok bilang mga alaga. Makalat silang kumain at ang mga tubigan nito ay madalas kailangang palitan. Dahil dito, nakasalalay sa iyo ang paglilinis at pag-papananatiling maayos ang kapaligiran ng mga ito upang mailayo rin sila sa mga sakit at mikrobyo.
Para sa mga nag-uumpisa pa lamang sa pagaalaga ng mga manok sa bakuran, hindi pwedeng simpleng bowls o tubigan lamang ang ibigay sa mga alaga. Pwede itong pugaran ng mga parasites o coccidia at malayang dumihan ng mga manok. Bumili ng mga tamang tubigan at feeders sa poultry shops at itanong ang pinaka-tamang klase para sa iyong bakuran at bilang ng mga manok. May iba’t ibang klase ng kainan tulad ng automatic feeders, hanging feeders, at farm range feeders na mabibili sa tindahan.
2. Food storage at containers
Laging tandaan, kung may manok sa paligid, hindi rin malayo ang mga daga na pwedeng magdala ng peste sa iyong mga alaga o kainin ang kanilang mga pakain. Imbis na hayaang nasa sako lang ang iyong mga chicken feed, bumili ng mga resealable containers at bins na di maabot ng mga daga o iba pang mga peste. Pwede rin gumamit ng mga gallon drums na natatakpan para sa iyong mga main feed, treat mix at scratch grains.
3. Free-range nets
Ang mga manok ay mahilig lumipad lalo na kung ang istilo ng iyong pag-aalaga ay free ranging. Natural ang gawaing ito ng iyong mga manok dahil kailangan nilang protektahan ang mga sarili sa mga galang hayop at peste sa kanilang paligid.
Para mapanatiling ligtas ang iyong mga alaga, mag-install ng mga free range nets sa bakuran na may tamang mesh size depende sa laki ng iyong mga alaga. Siguraduhing de-kalidad ang iyong mga free range nets na tulad sa mga makikita mula sa Philippine Ranging Nets para maiwasang makatakas ang mga manok o makapasok ang mga galang hayop sa iyong free range bakuran.
Kasama ng iyong pag-install ng free range nets ang pag-gawa ng roosts na 2 x 4 feet ang sukat at may ilang pulgada ang taas mula sa lupa para tulugan ng iyong mga alagang manok. Dito rin madalas silang dumudumi kaya agarang linisan ang iyong mga roosts araw-araw. Magkabit din ng shade nets para may silungan ang iyong mga alaga sa tuwing mataas ang araw at mainit ang panahon.
4. Nesting box
Para sa iyong mga inahin, kailangan ng ligtas na lugar para mangitlog ang mga ito. Kung sila ay free range, malaki ang posibilidad na kung saan-saan lamang mangitlog ang mga ito maliban na lamang kung ikaw ay may nesting box.
Ang nesting box ay pwede mo buuin gawa ng mga drum o timba na nilagyan ng mga ritaso ng dayami para sa kumportableng pagpugad ang iyong mga inahin. Tandaan din na apat hanggang limang inahin ang pwedeng mamugad sa bawat nesting box para mangitlog.
5. Grit
Kakaiba ang paraan kung paano kumain ang mga manok kesa sa ibang mga hayop dahil kailangan ng mga ito ng grit para matunaw ng maigi ang mga kinain nila sa kanilang balumbalunan. Kumakain din ang mga ito ng malilit na pebbles para magsilbing panghiwa ng kanilang mga pagkain.
Siguraduhing meron ang iyong bakuran ng grit, pebbles, buhangin at graba lalo na sa panahon ng tag-lamig para makatulong sa iyong mga alaga habang sila’y kumakain.
6. Oregano Essential Oil
Marami na sa atin ang pamilyar sa bisa ng Oregano at kailangan din ng mga first-time poultry raisers ng Oregano Essential Oil para mapanatiling malusog ang mga manok kahit hindi gumamit pa ng antibiotics. Ang Oregano ay may likas na pang laban sa mikrobyo na pwedeng ihalo sa tubigan ng iyong mga alaga para mapa tibay ang kanilang immune system.
Kapag nagkaroon ng sugat ang iyong manok, ‘tsaka lang gumamit ng antibiotic na ointment para gamutin ito at maiwasan ang impeksyon. Painumin ang may sugat ng tubig na may Oregano essential oil para mapabilis din ang pag-galing ng sugat nito.
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga kailangan para maging maayos ang iyong pag-aalaga bilang isang free range poultry raiser. Sa mga nabanggit, pinaka-importante ang pagpili sa quality free range at shade nets dahil ito ang magsisilbing pinaka epektibong proteksyon para sa iyong mga alaga laban sa mga galang hayop, insekto, peste o sa init ng araw. Bisitahin ang Philippine Ranging Nets para sa iyong mga kailangang gamit sa pamamagitan ng pag-email sa [email protected] o tumawag sa +63977 007 0228 para malaman ang tungkol sa kanilang nationwide shipping at Cash on Delivery option.
Philippine Ranging Nets provide Filipino-made multi-purpose nets mainly used for free ranging chickens and other poultry. Trusted by top-breeders, PRN’s top quality affordable ranging nets are available nationwide.