Hindi mapili sa pagkain ang gamefowls o mga manok na panabong. Gayunpaman, ito ay hindi rason upang ipagsawalang bahala ang kanilang diet. Kailangan pa ring panatilihin ang lakas at tamang bigat ng manok kung isasabak ito sa sabong.
Paniguradong pamilyar ang kasabihang “you are what you eat.” Hindi lamang sa tao naaangkop ang mga katagang ito, kundi pati na rin sa mga alagang tandang. Mainam na bigyan sila ng layang manghuli ng sariling pagkain sa loob ng kanilang tangkal, ngunit siguraduhin na makakakuha sila ng sapat na protein na kailangan upang magkaroon sila ng malusog na kalamnan at balahibo.
Kumpara sa regular na mga manok, mas kailangan ng gamefowls ang feeds at pagkaing masustansya para sa pagpapaunlad ng kanilang endurance. Ang sumusunod ay ilang mga bagay na dapat tandaan sa pagpili ng pagkain para sa iyong alaga.
1. Foundation nutrition
Dapat lamang na magsimula sa basics pagdating sa gamefowl nutrition. Ang foundation nutrition ay idinisensyo upang siguraduhing maximized ang mga sustansyang kakailanganin ng manok. Ang pagbibigay ng foundation nutrition sa tandang ay magsisilbing unang hakbang sa pag-abot ng kanilang ideal na kondisyon. Kung hindi susundin ang basics ng gamefowl nutrition, maaaring masayang ang mga sustansyang nakapaloob sa pagkain ng tandang.
2. Anabolic nutrition
Upang maabot ng tandang ang kanyang optimum capacity, mahalagang mabuo ang kalamnan nito sa pamamagitan ng tinatawag na anabolic nutrition. Kumukonsumo ng lakas ang katawan sa pag-abot nito ng anabolic state. Makatutulong ang nutrition feeds at supplements sa pagpapaunlad ng muscle tissue at pagpreserba ng kakailanganing lakas. Dapat ding punan ng ehersisyo ang anabolic nutrition upang mas maging epektibo ito.
3. Sustansya para sa oxygenation at pagkundisyon ng dugo
Ang dugo ay nagbibigay ng oxygen at sustansya sa mga tissue sa katawan. Kaya naman, importante ang pagkundisyon ng dugo upang masiguradong makukuha ng katawan ng tandang ang lahat ng sustansya. Dagdag pa rito, ang dugo ay makapagpapakilos sa hormones at iba pang mahahalagang materyal na umiikot sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
4. Pagbibigay ng lakas
Ang gamefowls na may mabibilis na metabolismo ay nakakapagproseso ng mga sustansyang nakukuha mula sa pagkain at agad na naikakalat ang lakas sa kanilang katawan. Ito ang dahilan kung bakit mas mainam na mamuhunan sa mga pagkaing nakapagbibigay ng maayos na enerhiya sa tandang. Kung nag-aalaga ng manok para sa pakikipagsabong, dapat masiguradong akma ang lakas nito sa pamantayan ng sabong.
5. Pagdagdag ng gulay
Importante man ang protein sa diet ng tandang, hindi dapat kalimutan ang pagsama ng gulay sa pagkain nito. Ang herbs gaya ng malunggay at sibuyas ay mainam na detoxifiers. Mataas din ang fiber ng mga gulay, na siyang makakapagpabuti ng panunaw at bowel movement ng tandang. Dagdag pa rito, mas malusog ang mga manok na madalas kumain ng gulay at prutas. Mas mababa ang posibilidad na magkaroon sila ng sakit.
Bilang isang gamefowl breeder, tama lamang na alagaan nang wasto ang tandang. Ugaliing dagdagan ng special feeds at supplements ang kanilang pagkain upang mabigyang lakas ang manok na aakma sa pamantayan ng cockfighting.
Bukod sa pagtustos ng tamang nutrisyon para sa alaga, mahalaga rin na ilagay ang mga manok sa isang lugar kung saan malaya silang makakapag-ehersisyo. Isang paraan para gawin ito ay ang free-range method. Kung ito ay gagawin, maaaring bigyang proteksyon ang mga tandang gamit ang chicken nets. Makakatulong ang mga itong panatilihin silang ligtas, malusog, at may layang kailangan nila upang maabot ang kanilang buong potensyal.
Mainam para sa gamefowl breeders na mamuhunan sa de-kalidad na chicken nets. Ang Philippine Ranging Nets ay specialists sa paggawa ng matitibay na nets na maaari mong magamit upang pangalagaan ang iyong game-winning roosters. Tingnan ang aming catalog ng durable chicken-ranging nets.
Know more about Philippine Ranging Nets and our quality chicken nets and poultry products by sending us an email at [email protected] or by calling +63977 007 0228 for orders and more information!