Ang mga Pinoy, “sisiw” agad ang isasambit tuwing madadalian sa isang gawain. Pero sa totoo lang, hindi ganoon kadali ang pag-aalaga ng mga sisiw—maging ang overall chicken care ay talagang matrabaho. Bilang mga batang manok, may kulit at kalikutan ang mga sisiw, at mahihina ang kanilang resistensya pagdating sa mga sakit.
Gayunpaman, tunay na nakapagbibigay-kasiyahan ang pag-aalaga sa mga sisiw, at mainam din ito bilang kabuhayan. Palakihin mo man sila sa iyong bakuran o sa farm, nararapat lamang na alamin kung ano ang mga kailangan nila upang maging mas matibay na mga manok kinalaunan.
Paano dapat alagaan ang mga sisiw?
Bukod sa isang magandang negosyo ang poultry raising, mas madaling palakihin ang mga sisiw kung alam mo ang iyong ginagawa at ang iba’t ibang paraan sa larangan ng chicken care.
Una sa lahat, tukuyin kung anong lahi ang gusto mong alagaan at alamin kung paano palalakihin ang mga ito. Kahit saan, pwede kang mag-alaga ng sisiw, basta’t kaya mong maglaan ng isang maayos na bahay para sa iyong baby chicks.
Kung pag-aalaga ng baby chicks bilang negosyo ang iyong nais, mabuting alamin ang tamang klima at lugar para sa pagpapalaki ng mga ito, ano ang mga uri nitong maamo o malikot, at gaano kadalas ito maaaring mangitlog sa isang taon.
Sa ganitong paraan, makakapaghanda ka ng tamang chicken care routine habang lumalaki ang mga sisiw.
Saan makakabili ng mga sisiw?
Salamat sa internet, mabilis ka lang makakahanap ng pagbibilhan ng baby chicks!
Pumili lang ng respetadong hatchery maging sa Facebook man o sa mga sikat na shopping sites. Ang maganda rito, pwede ka rin sumali sa online communities ng mga kapwa mong poultry raisers upang makipagpalitan ng mga karanasan patungkol sa pag-aalaga ng sisiw. Marami ka pang matututunan mula sa iba.
Magtanong tungkol sa mga tamang bakuna para sa mga sisiw, paano ipapadala ang mga sisiw sa iyo, at iba pang chicken care tips. Ilan sa mga kadalasang sakit na maaaring makuha ng iyong mga sisiw ay ang Pullorum at Avian Influenza. Malulunasan ang mga ito kung may tamang bakunang naibigay sa kanila.
Pwede ka ring maging old school sa pag-aalaga ng iyong baby chicks. Pumunta lang sa mga chicken feed store o isang farm na may iba’t ibang lahing binebenta. Piliin mo ang mga malilikot dahil ito ang mga malalakas pag dating sa kalusugan.
Pag-aalaga ng baby chicks sa bahay
Pinaka-importante sa lahat ng supplies na iyong kakailanganin ay ang brooder o, sa kalaunan, ang chicken coop. Hindi mainam na gumawa ng isang brooder gamit ang kahon dahil madaling makakalabas ang mga sisiw kung hindi ito matakpan o mabakuran nang maayos.
Gumawa ng mas matibay na brooder gamit ang mga de-kalidad na free-range nets gaya ng mga mahahanap mula sa Philippine Ranging Nets. I-partner ito sa kahoy upang protektahan ng maigi ang mga sisiw sa iba pang mga alaga sa bahay o bakuran.
Siguraduhing din maayos ang daluyan ng hangin sa loob ng brooder at laging tuyo ito. Latagan rin ang sahig nito ng plastik na pinatungan ng mga papel para matutong maglakad ng maayos ang iyong mga sisiw.
Kapag naisaayos na ang iyong brooder, lagyan ito ng ilaw sa loob at panatilihing nasa 90 hanggang 95-degree Fahrenheit lamang ang init sa loob nito sa unang linggo ng sisiw. Tandaan: lamigin ang mga sisiw at madali magkasakit o mamatay kapag sila’y nalamigan.
Chicken care basics para sa magpalaki ng sisiw
Kapag at home na ang iyong baby chicks, turuan sila kumain ng chick starter feeds mula sa iyong kamay. Handle with care lamang dahil malilikot talaga ang mga sisiw at makalat. Mahalaga din sa chicken care ang malimit na paglinis ng iyong brooder dahil madalas ding dumumi ang mga sisiw.
Lagyan ng litter na puno ng wood shavings ang loob ng brooder upang magsilbing dumihan ng sisiw. Panatilihing tuyo ang iyong mga bedding para ‘wag pamugaran ng mga insekto at palitan ang kanilang feeder at tubigan dalawang beses kada araw.
Gumamit ng de-kalidad na free-range nets sa pagtatakip sa mga bintana at pasukan ng iyong brooder para hindi makapasok ng mga ligaw na hayop at insekto.
Para sa iba mo pang kailangan sa pagpapalaki ng iyong baby chicks, bisitahin ang Philippine Ranging Nets at humanap ng iba pang chicken care tips at produktong makakatulong sa iyong negosyo!