“Dear Señor,
Puwede bang makahingi sa inyo ng tips para suwertehin ako sa sabong? Maraming salamat!
Naghihintay,
Adonis”
Narito ang ilang kaalaman na puwedeng makatulong sa iyo sa pagsasabong:
1. Kung may alaga kang sariling manok na panabong, isasabong mo lang ito sa mga araw na siya ay masigla.
2. Kaya pagmasdan mo ang panabong na manok: Kapag nakita mo ito na parang matamlay at hindi gaanong kumikilos kahit ayon pa sa iyo ay “ready to fight” na siya, huwag mo munang isabong.
3. Kapag nakita mong madalas na itong tulog, huwag mo rin munang ilalaban.
4. Kapag madalas itong tumilaok, pero walang nakikitang iba pang manok, ilaban mo na.
5. Makinis ang balahibo ng manok na mananalo.
6. Makinis din ang kaliskis nito kahit hindi naman kinikinis ng tagapag-alaga ng mananalong panabong.
7. Kapag napansin mong tinutuka niya ang kanyang kulungan o hawla, puwede na itong ilaban.
8. Para naman malaman mo kung kailan ang dating ng mga suwerte mo, gumawa ka ng sarili mong “Lunaryo ng Kapalaran”.
9. Ang Lunaryo ng Kapalaran ay nakabatay sa larawan ng buwan. Ang pansariling Lunaryo ng Kapalaran ay ang paraan kung saan itatala mo ang iyong mga naranasan, kumbaga, ito ay parang diary kung saan ilalagay mo ang: “Ako ba ay masuwerte? Ako ba ay malas? Sa tapat ng “First Quarter, Last Quarter, New Moon at Full Moon”.
10. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung kailan ang balik ng mga suwerte mo dahil kapag nakita mong ikaw pala ay masuwerte, halimbawa sa First Quarter; dito ka magsabong.
11. Kapag nakita mo namang minalas ka, halimbawa sa New Moon, huwag kang magsasabong sa New Moon.
12. Ang “Lunaryo ng Kapalaran” ay hindi lamang sa sabong mapapakinabangan, ito rin ay epektibong paraan upang malaman mo kung bubuwenasin ka rin ba sa iba pang sugal.
13. Mapapakinabangan din ang Lunaryo ng Kapalaran sa pagnenegosyo at iba pang mga aktibidad ng tao.
Good luck and God bless!
Article from: Alamin mula kay Señor… KAALAMAN KUNG PAANO SUSUWERTEHIN SA SABONG
Philippine Ranging Nets provide Filipino-made multi-purpose nets mainly used for free ranging chickens and other poultry. Trusted by top-breeders, PRN’s top quality affordable ranging nets are available nationwide.