May mga partikular na gamefowl breeds na napatunayan ng angat sa iba, may isa pang aspeto ng pagpapalaki ng inyong mga panabong na dapat niyong malaman: ang kanilang fighting style. Pagdating sa sabungan, may ibang mga breeds talaga na hindi na sinasabi ng mga beteranong sabungero sa mga manonood ang may pinakamataas na tiyansang manalo.
Sa pagsusumikap mong magpalaki ng mga kampeon sa inyong coop, dapat mong aralin ang mga fighting styles na makakatulong sa pagkapanalo. Sa kasulatan na ito, tatalakayin natin ang iba’t ibang gamefowl fighting styles na dapat malaman ng mga ka-sabong.
1. Sweater
Etong malakas na breed na ito ay kadalasang lumalaban hanggang sumumite ang kanyang kalaban. They have tremendous power so their relentless attacks overwhelm the other rooster. Ang mga Sweaters noon ay may kabilisan pagod, pero sa pag infuse sa kanilang bloodline ay nakaimpluwensya sa paglakas. Kaya ngayon, isa sila sa mga kinakatakutan sa sabungan.
Pagdating sa labanan, kaya nitong makipag banggan sa kahit anong air-slashing fighter. Kapag ang laban ay nasa ground lang, patuloy lang ang kanilang pag atake hanggang sumumite ang kalaban.
2. Brown Red
Ang breed na ito ay may kasabikan sa bilis. Kilala bilang mga pasikat dahil sa kanilang shuffling action na gamefowl fighting style. Mayroon silang madilim na mga binti at mata. Subalit, ang kahinaan nito ay ang mababang stamina, o mabilis mapagod. Dahil dito, hindi sila pang mahabaan na laban.
Ang naging diskarte ng mga breeders para malampasan ang kahinaan na iyon ay ang pag crossbreed nila sa Asil at sa iba pang malakas na breed. Pero kung ikaw ay naghahanap talaga ng fast killer na matatapos agad ang laban, ang Brown Red ay isang fighter na dapat mong idagdag sa coop.
3. Lemon 84
Itong breed na ito mula sa Bacolod, na madalas nakakakuha ng panalo kumpara sa mga ibang mga bagong lahi. Kadalasan ito ay lemon hackled, straight-combed o pea-combed at yellow at green-legged, at pumpkin feathered.
Ang Lemon 84 ay kilala sa madiskarte o intelligent gamefowl fighting style. Kakaiba rin ang sense of timing nito upang makalusot ng atake sa pamamagitan ng malakas na single-stroke-killing. Mahusay din sila sa mga sidesteps at counterattacks.
4. Clarets
Isa sa mga paborito ng mga old-school na breeders, itong lahi na ito ay kinikilala sa hindi pagsuko pagdating sa mga matitinding labanan. Sila ay mag angkin na straight combs, black breasts, at wine-colored feathers.
Clarets ay kilala bilang mabilis at madiskarte, at mga asintadong cutters. Kadalasan silang gumagamit ng hard-hitting single strokes sa kalaban. Sila ay napaka agresibo sa ring, kahit laban sa kilalang Sweater breed, kaya nilang makipagsabayan.
5. Roundhead
Ang breed na ito ay native sa Asia, ang Roundhead ay pea combs na may black spurs. Kadalasan sila ay yellow o white-legged, na may red eyes at pale yellow hackles.
Sila ay mga matatalinong manlalaban, na mahilig din umiwas sa mga atake. Magaling din sila sa pag sidestep dahil sa kanilang natural na liksi. Napaka agresibo at lintik sa bilis, ang Roundhead may malakas na leg power na nakakatakot pag dating sa mga air fights.
Sa pagpapalaki ng inyong mga fighters sa ring, importante ang pagbibigay ng attention at pag aalaga sa kanila. Isa mga dapat pagtuunan ng pansin ay ang pagkakaroon ng maganda at malinis na paligid para matutukan ang kanilang paglakas.
Kaya kailangan bumili ng matitibay na chicken nets. Dito sa Philippine Ranging Nets, tinutulungan namin kayo alagaan ang mga kampeon niyong panabong sa pagbibigay ng top quality ranging nets. Tingnan ang aming mga tinda para makapag breed ka ng mga malalakas na panabong.
Know more about Philippine Ranging Nets and our quality chicken nets and poultry products by sending us an email at [email protected] or by calling +63977 007 0228 for orders and more information!