Binabalak mo bang mag-alaga ng manok? Sa article na ito, tatalakayin natin ang wastong pag-aalaga ng manok. Pagtutuunan natin ng pansin ang free-range chicken care at bakit magandang ideya na aralin kung paano mag-alaga ng manok na free-range.
Mga Dapat Gawin Para sa Wastong Pag-aalaga ng Manok
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga steps na dapat mong gawin para sa tamang pag-aalaga ng manok.
1. Hayaan silang lumabas ng coop
Alam na alam mo nang maagang magsigising ang mga manok. Marahil ay madaling araw pa lang ang simula ng kanilang pag-tilaok. Sa paggising ng mga ito, mainam na makalabas sila sa kanilang kulungan upang makalakad, makapag-ehersisyo, makakain ng damo, at kung ano pa man ang kanilang nais.
Dahil dito, simulan ang araw sa pagpapakawala sa kanila. Siguraduhing magawa ito bago tuluyang sumikat ang araw. Ang paggawa nito araw-araw ay makakatulong sa pagpapaliksi at pagpapalakas ng mga manok. Makakatulong din ang exposure sa araw sa pagpapadami ng itlog.
Upang masigurado ang kanilang kaligtasan, gumamit ng chicken net o chicken fencing. Ang mga ganitong harang ay sadyang ginawa para limitahan ang kilos ng mga manok.
2. I-refill ang kanilang tubig at pagkain, at hayaan silang kumain
Sunod na gawin ay i-check kung mayroon pang sapat at malinis na inumin at pagkain ang mga alaga. I-refill ang kanilang water supply, at pakainin sila gamit ang feeds.
Pwedeng ibigay sa kanila ang pagkain nila para sa buong araw. Mas mainam kung may hanging feeder na maglalabas ng pagkain nang paunti-unti. Kung mano-mano mo silang bibigyan ng pagkain, dapat malaman kung ilang beses pakakainin ang alagang manok. Sagot ng mga eksperto na mainam na ang pagpakain ng dalawang beses sa isang araw. Kung ikaw naman ay nasa bahay lang at kayang tutukan buong araw ang mga alaga, akma rin ang pagpapakain sa kanila ng tatlo hanggang apat na maliliit na serving kada araw.
3. Linisin ang coop
Hindi naman kailangang gawin ito araw-araw. Sa katunayan, ang ideyal na paglinis ay once a week. Pero dapat mong tingnan araw-araw kung ito ay dumumi nang hindi inaasahan. Dapat na tanggalin ang mga dumi ng manok at lumang pagkain. Ang dumi ng manok ay nagdudulot ng mataas na lebel ng ammonia na maaaring magsanhi sa pagkakasakit ng mga ito. Kung sakaling magsimulang mangamoy ang kanilang coop, linisin agad ito.
4. Kulektahin ang mga itlog
Kung nangingitlong ang iyong mga alagang manok, mainam na kulektahin ang mga itlog tuwing umaga. Mapapansin mong ang mga manok ay madalas mangitlog sa umaga, pagkatapos nilang kumain. Kaya naman dapat ay makuha agad ang mga itlog upang maiwasan ang pagkabasag ng mga ito. Mainam ang late morning para dito upang masiguradong nakapangitlog na ang mga manok..
5. Siguraduhing protektado ang iyong mga alaga
Maaaring iwan ang mga alagang manok na nasa labas ng kanilang coop hanggang may liwanag pa. Sila mismo ang babalik sa kanilang coop sa paglubog ng araw dahil ayaw nilang naggagala sa dilim.
Gusto rin nilang nakakaramdam ng seguridad. Upang tulungan silang kumalma, i-assist sila sa pagbalik sa kanilang tulugan. I-check din nang ayos kung may sira ang kanilang kulungan na maaaring pasukan ng mga peste o ‘di kaya ay sirain ng mga mas malalaking predator.
Tamang Pag-aalaga ng Manok? Mag-invest sa Matibay na Chicken Net
Kung nais mong protektahan ang mga alagang manok, dapat lang na hindi basta-basta ang chicken net na iyong gagamitin. Ang tamang pag-aalaga ng manok ay magdedemand ng dekalidad na materyales, gaya ng range net for chickens na makukuha muna sa Philippine Ranging Nets.
I-check ang aming catalog at umorder na ng iyong susunod na chicken nets. Sa Philippine Ranging Nets, garantisadong matibay at abot-kaya ang pagprotekta sa iyong alaga.