Pangarap mo ba maging isang gamefowl breeder? Mukha mang simple ang pag-aalaga ng manok na panabong, hindi biro ang paghahanda at puhunang kinakailangan upang isakatuparan ito. Hindi sapat na marunong kang magsanay at magpalakas ng manok panlaban. Kailangan ay kumpleto rin ang iyong kagamitang akma sa gamefowl breeding.
Marahil na tanong mo ngayon ay kung magkano nga ba ang kailangan para para magsimulang mag-alaga ng manok. Tunay na investment ang pagiging isang gamefowl breeder. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pangunahing dapat pagtuunan ng pansin, oras, at kapital upang isakatuparan ito:
1. Upa ng lupa
Kailangan ng gamefowls ng sapat na espasyo upang makagalaw nang ayos at may laya. Hindi sapat na ilagay lamang sila sa mumunting tangkal sa likod-bahay. Mas madali rin silang alagaan at pagsanayin kung malawak ang lugar na paglalagyan sa kanila.
Ang magagastos mo para rito ay depende sa laki ng lupang nais mong rentahan. Mas madali ang preparasyon kung mayroon ka nang libre at malawak na lupang maaaring gamitin para sa gamefowl breeding. Gayunpaman, dapat pa ring maglaan ng puhunan para sa pagpapaayos ng iyong breeding farm.
2. Pagkain
Upang lumaking malakas at maliksi ang iyong gamefowls para sa kanilang pagsabak sa sabong, kailangan nila ng tamang nutrisyon. Kung tutuusin, marunong humuli ng sariling pagkain ang mga manok, at hindi dapat sila hayaang dumepende lamang sa artificial feed. Ngunit upang maging mas handa sa sabong ang iyong gamefowl, makabubuti ang pagbibigay ng karagdagang nutrisyon. Makukuha ito sa mga feed at supplement pang-manok.
Importante na matibay ang mga buto ng mga gamefowl at panatilihin itong nasa peak condition. Nakakatulong ang tamang pagkain sa pagkondisyon ng mahuhusay na gamefowl. Sa isang taon, ang karaniwang gastos para sa pagkain ay nasa ₱135,000. Sapat na ang badyet na ito para magpakain nang maramihan.
3. Gamot
Kahit gaano ka pa kaalaga sa iyong mga tandang, hindi maiiwasan magkasakit o masaktan ang mga ito. Dahil dito, kailangan mong maging handa sa pag-aasikaso sa kanilang mga sugat o injury.
Ang layunin ng bawat gamefowl breeder ay maging malakas ang kanilang mga alaga buong taon. Kaya naman ay dapat na maglaan ng ₱60,000 kada taon para sa gamot ng alagang manok.
4. Tauhan
Bilang isang gamefowl breeder, hindi lang ang mismong manok ang kakailanganin mong asikasuhin. Dahil isang negosyo ang pag-aalaga ng tandang na panabong, hindi praktikal na patakbuhin at pamahalaan nang mag-isa ang iyong farm. Kumuha ng tauhang mapagkakatiwalaan mo. Mas mainam kung siya ay may tunay na interes sa cockfighting at dedikasyon sa pag-aalaga ng gamefowls.
Depende sa bilang ng mga tauhang iyong kukunin ang dapat na ilaang badyet para rito. Ang sahod sa kanila ay depende rin sa kanilang mga partikular na trabaho sa gamefowl farm. Nagsisimula sa ₱110,000 kada taon ang bayad sa isang regular na tagapag-alaga ng manok.
5. Bayad sa maintenance
Tulad ng kahit anong establishment, o maging tahanan man, hindi maiiwasan na magkaroon ng mga isyu ang pisikal na integridad ng iyong gamefowl farm. May pagkakataong masisira ang mga pasilidad dahil sa bagyo, katandaan, o marahil dahil sa iyong mga alaga mismo.
Dahil dito, kailangan mong maglaan ng badyet para sa maintenance ng iyong gamefowl farm. Aabot ng ₱70,000 sa buong taon ang routine maintenance na kailangan upang masigurado ang linis at ligtas ng iyong farm.
Sa simula ng pagpapatayo ng gamefowl farm, kinakailangan mo namang maglaan ng humigit-kumulang ₱400,000. Hindi pa dito kasama ang bayad sa lupa at mismong mga manok. Sa pagtagal, babalik din ang iyong pamumuhunan, kaya sulit din ang perang ilalaan.
Ilan lamang ito sa mga dapat mong paghandaan bilang isang nagsisimulang gamefowl breeder. Ngayong alam mo na kung magkano ang kakailanganin upang magtayo ng sariling farm, mapapadali ang iyong pag-iipon pag-tantsiya sa iyong badyet para sa proyektong ito.
Pagtapos mong mapaghandaan ang basics, kailangan ding mamuhunan sa dekalidad na kagamitan. Simple mang aspeto ng isang tangkal, hindi dapat mawala ang matibay na chicken net sa listahan ng dapat bilhin. Sinisigurado nito ang proteksyon ng iyong gamefowl sa anumang kapahamakan. Gamit ang chicken nets, maaari mo silang bigyan ng tamang pag-aalaga habang sila ay malayang nakakaikot sa farm dahil kontrolado mo ang kanilang kapaligiran.
Kung nais mong bumili ng matibay at murang chicken nets, bisitahin ang website ng Philippine Ranging Nets upang makita ang aming katalogo. Isang pinagmamalaking lokal na kompanya, ito ang iyong pinakamainam na source para sa mahuhusay at pangmatagalang chicken nets. Makipag-ugnayan sa amin para sa iyong unang order.