Karamihan sa atin ay masaya tuwing malamig ang simoy ni Amihan. Pero alam niyo bang ganoon din ang pakiramdam ng mga alaga mong free-range chickens o panabong sa tag-lamig?
Ayon sa mga libro ng seasonal chicken care, ginagamit ng mga alagang manok ang tag-lamig upang mag-hibernate at maging handa sa darating na mas mainit na panahon. Alam din ng kahit sinong nag-aalaga ng free-range chickens o panabong na hiyang ang mga ito sa mas mainit na panahon, pero may peligro pa rin sa mataas na temperatura.
Basta’t may sapat na tirahan at pangangalaga sa pabago-bagong panahon, kakayanin ng iyong mga alaga labanan ang iba’t ibang uri ng chicken diseases.
Kaya huwag mag-alala dahil ibabahagi namin sa seasonal chicken care tips na ito ang ilang solusyon na base sa pag-uugali at biology ng iyong free-range chickens para sa tamang kalusugan ng mga ito:
Seasonal chicken care tips sa tag-init
Sa tag-araw naman, magagamit rin ang mga chicken nets bilang panglilim lalo na kapag mas mataas sa 32℃ ang panglabas na temperatura. Kapag nabilad ang iyong free range-chickens sa ilalim ng araw nang matagal, pwede silang magkaroon ng heat stress at magkasakit o mamatay.
Iwasan mabilad ang iyong free-range chickens o mga panabong sa mainit na panahon lalo na kapag mataas ang humidity dahil walang kakayanan ang mga ito na magpawis. Mapupuna ang pagbabago ng ugali ng iyong free-range chickens kung hindi kumportable sa tag-init ang mga ito.
Maari silang magbukas ng tuka kapag kapos sa hininga, ilayo ang mga pakpak mula sa kanilang mga katawan, manghina, mawalan ng ganang kumain, at magkaroon ng maputlang palong at tapay. Ang mga free-range na inahin na naiwan sa arawan ay mahihirapan ding mangitlog.
Seasonal chicken care tips sa tag-ulan
Base sa standards, hiyang ang mga free-range chickens at mga panabong sa gitna ng 18 hanggang 26℃. Ito ay hangga’t nananatili sa 40 percent humidity ang panahon sa labas. Kung aburido ang iyong mga alaga sa basang lupa, mainam na ilipat sila sa loob ng coop o chicken run na protektado ng mga chicken nets.
Siguraduhing nakabaon ang chicken nets at natatakapan ng lupa para walang ligaw na hayop ang makakahukay dito. Magbigay ng tig-dalawang pulgada sa bawat dulo para mai-stapler ang mga ito sa bawat kanto ng iyong coop frame.
Mainam din gumamit ng mga chicken nets lalo na sa tag-ulan para maiwasan ang mga usong sakit tulad ng coccidiosis, respiratory illnesses at botulism lalo na sa mga alagang sisiw na madalas maging sakitin.
Seasonal chicken care tips sa tag-lamig
Hindi kumpleto ang ating seasonal chicken care tips kung hindi pag-uusapan ang tag-lamig sa mga buwan mula Disyembre hanggang Pebrero. Importanteng tatandaan na ang mga magulang na manok ay may kakayahang i-kondisyon ang kanilang temperatura ano man ang panahon basta’t nasa tama silang kalusugan at may sapat na bahayan.
Hindi maikakaila na importante ang chicken nets sa anumang panahon maging sa tag-lamig. Sinisigurado ng chicken nets na hindi makakagala ang free-range chickens, protektado sila sa mga galang hayop at insekto, at hindi sila tatablan ng malakas na hangin mula sa labas.
Ang mga pakpak ng iyong manok ay may natural na proteksyon laban sa lamig ngunit nararapat pa rin bigyan sila ng maayos na coop na nakabalot sa chicken net para ma-maintain ang kanilang tamang temperatura ng kanilang mga katawan.
Sa tag-init, naglalagas ang iyong mga alaga at tutubo muli ang feathers nito sa tag-lamig sa loob ng anim na linggo. Mainam ilagay sila sa loob ng mainit na coop upang hindi magkasakit ang mga ito.
Para sa iba pang seasonal chicken care tips para sa inyong alagang free-range chickens, bisitahin ang Philippine Ranging Nets!