Ang pagpapatayo ng sariling tahanan ay maaaring maging stressful, lalo na kung hindi pamilyar sa basics ng house construction sa Pilipinas ang iyong kliyente. Maraming maling akala sa pagpapatayo ng bahay na maaari palang magbigay-daan upang ang iyong proyekto ay maging mas mabisa at cost-effective.
Sa article na ito, pag-usapan natin ang iba’t ibang paraan upang makamura ka sa iyong susunod na pagpapagawa ng bahay, anuman ang iyong plano. Narito ang ilan sa aming mga money-saving tips para sa house construction sa Pilipinas.
1. Makipag-partner sa arkitekto
Karamihan sa mga Pinoy ay naniniwalang pangmalakihang construction projects lamang ang pagkuha ng arkitekto. Hindi limitado ang skills ng mga arkitekto sa commercial buildings at mga mansion sa mamahaling subdivisions.
Kung may house design na nais makuha ang iyong kliyente, tiyak na mas makakamura sila kung kukunsulta sa isang propesyonal. Makakatulong din ang pagkakaroon ng arkitekto sa kanilang residential project upang mapanatiling within budget ang kanilang construction costs.
Bawas pressure din ito sa inyong team kung may house design expert na tutulong at magbibigay-gabay sa inyong construction process.
2. Bumili ng maramihan (o bulk)
Tiyak na mas makakamura ang inyong team kung bibili in bulk. Piliin ang mga materyales na maaaring maimbak nang pangmatagalan gaya ng mga gawa sa metal at plastic. Bumili na ng maramihan at i-store sa inyong workshop o warehouse para sa mga susunod pang proyekto, commercial man o residential. Iwasang gawin ito sa mga materyales na maaaring masira, anayin, o amagin, gaya ng kahoy. Kung hindi maiiwasan, panatilihing malinis at pest-free ang iyong warehouse.
Kung bibili ng bulk, siguraduhin ding humanap ng mapagkakatiwalaang supplier na makapagbibigay ng kalidad na construction materials sa abot-kayang presyo.
3. Pumili ng recyclable construction materials
Alinsunod sa naunang house construction tip ay ang paniniguradong recyclable ang iyong mga ginagamit na construction materials. Maraming materyales na maaaring magamit muli—ang ilan dito, gaya ng bakal at plastic, ay pwedeng gamitin ulit para sa ibang construction projects. Ang mga kahoy at aggregates (o tira-tirang gravel, bato, atbp.) ay pwede namang gamitin sa ibang paraan, gaya ng pagbabakod. pagbawas ng iyong mga gastos, makakapag-ambag ka pa sa sustainable construction.
3. Gawing investment ang kaligtasan ng iyong mga kasamahan
Ang kaligtasan ng iyong team ay hindi dapat basta pinapabayaan. Higit pa sa pag-ensure na ayon sa badyet at schedule ang iyong construction process, dapat na siguraduhing protektado ang iyong mga construction workers. Kung mamumuhunan sa kanilang kaligtasan at makakaiwas sa mga hindi inaasahang aksidente, tiyak na makakatipid ka rin ang malaki.
Hindi man karaniwang ginagamit sa mga residential construction ang safety nets, ito ay isang mainam at kapaki-pakinabang na practice lalo na kung ang iyong project ay multiple-story apartment o bahay na may kataasan.
May iba’t ibang klase ng safety nets na pwede mong pagpilian sa Philippine Ranging Nets, base sa price point at tipo ng construction project na paggagamitan. Anuman ang iyong hanap, makakaasa kang ang construction netting ng Philippine Ranging Nets ay abot-kaya, matibay, at de-kalidad. Bisitahin ang aming website para sa iba pang house construction tips.