Hinahangad mo ba makapag breed ng malalakas na panabong? Kung ito ay nasa linya ng pag aalaga ng mga kampeon sa sabong, dapat ay mag invest ka sa mga the best na gamefowl breeds. Tulad ng ibang hayop, ang ilang gamefowl breeds ay may mas mataas na tsansa na manalo sa mga dikit na bakbakan sa larangan ng sabong.
Kung ikaw ay isang sabungero, eto ang mga top gamefowl breeds na maaaring makatulong sayo sa pagkapanalo sa sabong:
1. Sweater
Dinevelop ni Carol Nesmith, lahi ng tandang na ito ay kilala sa madalasang pagkapanalo sa cockfighting. Kilala itong breed na ito sa Pilipinas at Mexico.
Ang mga Sweater roosters ay kinikilala sa kanilang spiky na katawan. Kadalasang may dilaw o puti na mga binti. Malakas silang gamefowl breed dahil sa pagiging agresibo, maliksi, at sa pagkakaroon ng malakas na resistensya. Kaya nilang makipag labanan sa ere dahil sila ay flying breed na manok.
2. Kelso
Kilala sa pagiging matalinong breed ng tandang sa sabungan, itinataguriang classic eto na na lahi sa laban. Hindi katulad ng ibang mga breed, etong Kelso ay mahilig umilag bago sumugod sa labanan.
Hindi lang ito mautak sa labanan, kinikilala din ang angking bilis at lakas neto lalo na sa pag ilag sa mga atake ng kalaban. Kadalasang may dilaw o puti na mga binti, subalit mas pinipili ng mga tumatangkilik ang may puting binti. Ilang dekada na etong paborito ng mga ka-sabong.
3. Roundhead
Isa sa mga pinakakilalang gamefowl breeds sa bansa, and Roundheads ay kinikilalang natural-born killers. Kung nais mong bumili ng ganitong breed, ugaliing alamin ang bloodline neto. Kapag maayos na tandang ang pinang breed dito, sila ay napakahusay sa pakikipag laban. Subalit, kapag hindi maayos ang kanilang naging produkto, ay madali lang din sila matatalo.
Ang mga purebred na Roundheads at may peacomb, pero hindi lahat ng may peacomb ay Roundhead. Kung nais mong bumili ng ganitong lahi, mas maiging magpasama sa isang beteranong sabungero upang maiwasan ang mga peke o low-class na lahi.
4. Hatch
Dinevelop ni Standard Hatch sa pag simula ng ika-20 siglo, ang Hatch roosters ay ang most recommended American gamefowl breed. Ito ay mabuting lahi na ipang cross-breed sa inyong mga manok na panabong.
Kilala ang Hatch rooster sa kanyang bilis at lakas. Hindi rin eto mabilis mapagod, kaya nababagay sila sa pang matagalang sabong. Sila ay kadalasang may bilugan at dilaw na ulo, na may yellow-green na mga binti.
5. Asil
Etong breed na ito ay native sa India, subalit kilala din eto sa mga cockfighting arenas sa buong mundo. Sapagkat sa mundo ng sabong, may kasabihan na “the Asil is the only breed that improves all the fighting rooster breeds.”
Ang gamefowl breed na ito ay kinikilala sa pagkakaroon ng kulang itim at pula na katawan, pati narin ng manilaw nilaw na binti. Ang gamefowl breed na ito ay kinikilalang malakas na manlalaban dahil kaya nilang saktan ang kanilang mga kalaban gamit ang kanilang mga paa. Yun nga lang, ay madalas silang mangagat sa labanan, kaya natatagalan eto bago makapag knockout ng kalaban.
Breeding winners
Pag dating sa pagbreed ng mga tandang sa sabungan, hindi lang importante ang pagpili ng tamang gamefowl breed. Kailangan din ang pagbibigay ng attention at pagaalaga sa kanila. Isa mga dapat pag tuunan ng pansin ay ang pagkakaroon ng maganda at malinis na paligid para matutukan ang kanilang pag lakas.
Kaya kailangan bumili ng matitibay na chicken nets. Dito sa Philippine Ranging Nets, tinutulungan namin kayo alagaan ang mga kampeon niyong panabong sa pag bibigay ng top quality ranging nets. Tingnan ang aming mga tinda para makapag breed ka ng mga malalakas na panabong.
Know more about Philippine Ranging Nets and our quality chicken nets and poultry products by sending us an email at [email protected] or by calling +63977 007 0228 for orders and more information!