You are currently viewing Champion Gamefowl Breeders You Should Know About

Champion Gamefowl Breeders You Should Know About

Kung nais mong makapag breed ng mga winning gamefowls, mas maiging matuto ka sa mga the best. Dahil ang sabong ay napaka popular sa ating bansa, may mga ilang gamefowl breeders ang nakagawa na ng pangalan para sakanila. Hindi man laging panalo ang kanilang mga alaga, kilala sila sa kanilang produktong madalas manalo sa kompetisyon, na kinikilala na sa mga sabong arena.

Sa Pilipinas, ang Negros Occidental ay kilala sa pagkakaroon ng mga mahuhusay na combat roosters. Sa Bacolod, hindi lang sila kilala sa pagpapalaki ng mga manok panabong, kilala rin sila sa kanilang chicken inasal. Subalit, hindi lahat ng mga breeders ay pantay-pantay. Eto ang mga kilalang kampeon na gamefowl breeders na dapat niyong pagaralan: 

1. Mr. Leandro “Biboy” Enriquez ( Image courtesy of: Purebred Warrior) 

biboy enriquez

Ang tao sa likod ng kilalang Firebird Game Far, si Biboy Enriquez ay isa sa mga pinaka popular na gamefowl breeder ng bansa. Siya ay may 19.7-ektaryang lupain sa mabunduking parte ng Rizal, na kung saan siya ay nakakagawa ng halos 2,500 stags at 1,200 pullets kada taon.

Ang kanyang gamefowl farm ay bukas sa publiko, na pwede mong puntahan at matuto sa kanya. Ito ay isang kilalang destinasyon di lang para sa mga ka-sabong sa Pilipinas, at pati narin sa mga touristang ka-sabong mula sa ibang bansa. Si Biboy ay nakakapag develop ng  top-quality firebird bloodlines na nakikipag kompitensya sa mga high-level cockfighting. Kaya kung nais niyo makapag breed ng mga elite gamefowls, marami kayong matututunan kay Biboy.

2. Nene Abello (Image Courtesy of Purebred Warrior) 

Nene Abello

Ang kinikilalang world-renowned gamefowl breeding champion ay ang mukha sa likod ng RGA Gamefarm. Home of the famous Possum 226 Sweater, ang kaniyang gamefowl farm ay nasa Bacolod, Negros Occidental. 

Si Nene Abello ay isa sa mga bigating pangalan sa larangan ng sabong, at siyang madalas manalo sa mga local at international na competition mula pa nung 1992. Siya ay 2-time world slasher champion, ang pinaka prestihiyosong titulo sa mundo ng sabong. Kaya ang kanyang mga tandang ay lumalaban lang sa mga elite na labanan, at napaka in-demand sa mga ka-sabong.

3. Edwin Dela Cruz (Image courtesy of Youtube: Top Breeders)

Edwin Dela Cruz

Ang AEJ Gamefarm man ay bagu-bago pa, ngunit ang kanyang pagkapanalo sa 2017 World Slasher Cup ay isang testamento sa kanyang abilidad bilang master breeder ng mga gamefowls. Ang kanyang farm ay matatagpuan sa Tanauan City, Batangas.

Ang AEJ Gamefarm ay kilala sa pag breed ng mga malalakas na panlaban sa sabong. Kasama na rito ang Golden Boy Sweater, 5K Sweater, Gilmore Hatch, Kearny Whitehackle, and Dom. Tama lang na isaalang-alang na matuto mula gamefowl breeder na ito. 

4. Raffy Campos and Edwin Arañez (Image courtesy of Facebook: Red Gamefarm)

Raffy Campos and Edwin Arañez

Ang pares na ito ay kilala sa kanilang Red Gamefarm. Dahil magka-sosyo sila sa negosyo, hindi pwedeng isa lang ang babanggitin sa kanilang dalawa. Ang kanilang game farm ay matatagupan sa Lucban, Quezon Province.

Ang Red Gamefarm ay nakakagawa ng 1,200 roosters na handa sa labanan kada taon. Kilala sila pagpapalaki ng mga manlalaban na pinapaboran din ng mga bigating pangalan sa sabong. Kaya marami talagang pwedeng matutunan sa kanila. 

5. Dante Hinlo (Image courtesy of Sabong Ngayon)

Dante Hinlo sabong

Isa pang kilalang gamefowl breeder mula sa Bacolod, si Dante Hinlo, at ang kanyang mga anak ay mga bigatin sa larangan ng sabong. Sila din ay isa sa mga may pinakamatandang game farm sa industriya.

Sa kanilang 60 na taon na karanasan, ang pamilang Hinlo at kilala sa paggawa ng mga gamefowl breeds gaya ng Gaff at Long Knife. Kilala din sila sa ibang bansa, na nagpapakita kung gaano kahusay sila sa mundo ng gamefowl breeding.

Raising Champions 

Maliban na matuto sa mga kilala sa industriya, importante din ang pagbibigay ng attention at pag aalaga sa kanila. Isa mga dapat pagtuunan ng pansin ay ang pagkakaroon ng maganda at malinis na paligid para matutukan ang kanilang paglakas. Kaya kailangan bumili ng matitibay na chicken nets. Dito sa Philippine Ranging Nets, tinutulungan namin kayo alagaan ang mga kampeon niyong panabong sa pagbibigay ng top quality ranging nets. Silipin ang aming catalog ngayon para sa karagdagang kaalaman.


Know more about Philippine Ranging Nets and our quality chicken nets and poultry products by sending us an email at [email protected] or by calling +63977 007 0228 for orders and more information!