Hindi man natin alam kung alin ang nauna sa manok o itlog, alam naman natin na parehong mabenta ang mga ito sa merkado. Kung balak mo mag-alaga ng mga manok na free-range para sa chicken egg farming, para sa ’yo ang article na ito!
Mula sa mga tamang gamit tulad ng chicken nets hanggang sa mga professional alaga tips, pag-uusapan natin kung paano sila maihahanda sa maayos na pangingitlog.
Tandaan, maaring may mga inahin ang masipag mangitlog at mayroon din namang hindi. Basta’t may sapat na kaalaman sa pag-aalaga ng free-range chickens, sisiw na lang ang chicken egg farming.
Narito ang tatlong importanteng salik na dapat mong alamin para sa isang matagumpay na negosyo:
Ang lahi ng manok
Tulad ng mga alagang panabong, maraming salik ang kailangan pag-isipan pagdating sa chicken egg farming. Una, kailangan mo ma-estimate kung gaano kalimit mangitlog ng iyong mga inahin. Higit sa lahat, kailangan mong malaman ang iba’t ibang bagay na nakakaapekto sa produksyon nito.
May ilang lahi ng mga free-range chickens na sakto sa chicken egg farming. Ang mga Leghorn at Rhode Island Red ay dalawa lamang sa napakaraming lahi ng manok na masipag mangitlog.
Ang Leghorn marahil ang isa sa pinaka da best pagdating sa egg farming. Kaya nilang i-convert ang feeds na kinakain para maglabas ng masustansyang klase ng mga itlog. Bukod dito, madali lang alagaan ang mga ito sa bakuran kung pamilyar ka na sa lahi ng mga ito. Ganunpaman, hindi rekumendado ang mga Leghorn sa mga nagsisimula pa lamang sa kanilang chicken egg farming venture.
Para sa beginners, mas mainam mag-alaga ng Rhode Island Red dahil mas maamo ang mga ito at masipag mangitlog ng malalaking brown eggs. Humanap ng mga lahing pang-industriya kaysa pang-bakuran kung gusto mong makarami ng itlog. Angkop din ang mga ito kung nais ang mga dual purpose na pwedeng pang-karne at sa pangingitlog.
Marami mang pwedeng pagpilian na lahi para sa egg farming, laging tandaan na mas masipag sa pangingitlog ang mga commercial na inahin. ‘Yun nga lang, sa simula lang maasahan ang mga ito, hindi tulad ng ibang lahing pang-bakuran na pangmatagalan sa pangingitlog.
Tamang pag-aalaga sa mga pullet
Ang mga pullet na inahin na wala pang isang taong gulang ay nangangailangan ng tamang nutrisyon at light management para maihanda ang mga ito sa tamang chicken egg farming. Kung sapilitang ang pangingitlog ng mga ito, malimit na maliliit na itlog lamang ang makuha sa mga ito.
Pwede rin silang magkaroon ng prolapse at magkasakit. Kaya kailangan mong iwasan ang maagang pangingitlog ng mga pullet upang hindi sila magkasakit at makahawa sa iba mo pang mga alaga.
Sa pag-aalaga ng mga sisiw na one-day old, mainam i-brood ang mga ito agad sa tuyo at malinis na shelter at may tamang bedding. Lagyan ang mga brooder at coop ng heat source at tamang proteksyon gamit ang chicken nets lalo na sa unang linggo hanggang sampung araw ng mga ito.
Pumili ng tamang sukat ng mesh para sa iyong mga chicken nets para mai-adjust ang liwanag na pumapasok sa brooder o coop. Importante sa lahat, bigyan sila ng sapat na nutrisyon lalo na sa mga isa o dalawang araw na gulang.
Maglagay ng feeds na nararapat sa mga pullet sa isang mababaw na feeder o karton at ‘wag itong takpan para madali nila itong makita. Habang lumalaki ang iyong mga sisiw, lakihan din ang kanilang mga feeder at tubigan, pati na rin ang kanilang kulungan at gumamit ng chicken nets para sa kanilang proteksyon.
Tamang light management
Ang mga inahin na para sa egg farming ay nangingitlog lamang ng isa kada araw. Sa mga susunod na araw, asahang lalong tatagal ang produksyon ng mga ito at aabutin ng maghapon o magdamag.
Malimit mangitlog ang mga inahin sa mga panahon na mas mahaba ang tirik ng araw kaya importante sa pag-aalaga ng mga ito ang light management at ang tamang mesh size ng iyong chicken nets.
Halimbawa, ang iyong mga sisiw ay nangangailangan ng ilaw buong araw para makita ang kanilang mga feeds at tubigan. Kapag lumaki ang mga ito, mainam na bigyan sila ng walong oras na liwanag kada araw kung nagpapalaki ka ng free-range chickens sa isang indoor housing.
Kapag handa na mangitlog ang mga inahin, bigyan sila ng hanggang 14 na oras na may liwanag kada araw para mapabilis ang produksyon ng itlog.
Kailangan mo pa ba ng ilang expert tips sa pagpapalaki ng iyong free-range chickens at tamang pag gamit ng chicken nets? Bumisita lamang sa Philippine Ranging Nets at siguradong mayroong handang tumulong agad sa iyong mga pangangailangan!