Saan mang parte ng bansa, paniguradong mayroong makikitang construction projects. Isa ito sa mga tandang ang ekonomiya at mga industriya ay lumalago.
Gayunpaman, kasabay ng lumalaking pangangailangan sa mga bagong gusali at establisyimento ay ang hindi maiiwasang pagdami ng kaso ng construction accidents. Talagang kritikal na trabaho ang construction sa Pilipinas, kaya naman ang mga manggagawa ay lantad sa iba’t ibang uri ng aksidente.
Isa-isahin natin ang ilan sa mga pinakakaraniwang construction accidents na dapat pakaingatan ng sa mga nasa construction industry ng Pilipinas at iba pang mga industriya. Alamin din natin kung paano maaaring iwasan ang mga peligrong ito.
Ano Ang Mga Karaniwang Construction Accidents?
Ang mga aksidenteng kaugnay ng industriya ng konstruksyon ay maaaring menor lamang, ngunit may iilang maaaring magresulta sa mga malalang injury kaya ng pagkabulag, pagkaputol ng braso o binti, pagkabingi o paralisis. Sa ilang mga kaso, maaaring humantong maging sa kamatayan.
Ang mga sumusunod ay ilan sa most common construction accidents na dapat pakatandaan at iwasan ng mga nasa industrya.
Pagkahulog ng manggagawa mula sa matataas na palapag
Sa construction projects, mas malamang na may tumatao sa matataas na area ng gusali ang mga manggagawa, lalo na kung talagang mataas o malawak ang binubuong proyekto. Dahil dito, halos 35 pursyento ng kabuuang mga pinsala sa konstruksiyon ay kaugnay sa pagkahulog galing sa matataas na lugar.
Pagkapaso o electrocution
Maiiwasan man ito ng maayos na maintenance ng construction site, ang panganib ng pagkapaso dahil sa electrocutions o pagsabog ay isa sa mga karaniwang aberyang kinakaharap ng mga construction worker. Habang patuloy ang konstruksiyon, maaaring ang mga manggagawa ay makuryente o mapaso kapag sumabog ang mga nakalantad na kawad.
Mga aksidente sa makinarya
Ang mga makinarya gaya ng crane at jackhammer ay mga essential na kagamitan lalo na sa malalaking construction projects. Kahit na ang maliit na makinarya gaya ng power tools at drill ay maaari ring makapinsala, kung kaya’y kailangan pakaingatan ang paggamit at pagtatabi ng mga gamit na ito.
Paglaglag ng debris
Common ding problema ang paglaglag ng mga dumi, buhangin, at loose na mga bato mula sa mga matataas na palapag ng construction sites. Delikado ito para sa mga tumatao sa ibaba, mapa-construction worker man, napapadaang sibilyan, o ‘di kaya’y mga sasakyang naka-park sa malapit.
Tiyakin ang Kaligtasan Mula sa Mga Karaniwang Construction Accidents
Ang mga pinsalang ito ay maiiwasan kung ang mga manggagawa ay may proteksyon. Bukod sa pagsunod sa required at kumpletong attire para sa construction sites, lalo na ang paggamit ng hard hat para pruteksyunan ang ulo, ang paggamit ng construction netting ay isa pa sa mga epektibong paraan upang pangalagaan ang mga manggagawa at mga taong nakapaligid sa construction site.
Sa paggamit ng safety nets sa construction, maaaring mabawasan ang mga aksidente gaya ng pagkahulog ng tao o debris mula sa tinatayong building. Ang paglalagay ng safety nets sa construction sites ay ‘di lamang magbibigay sa iyong manggagawa ng dagdag na proteksyon. Sila rin ay magiging mas kumpyansa at maaaring maging mas produktibo din sa kanilang trabaho.
Ang kaligtasan ng lahat ay dapat na maging prayoridad sa bawat construction project upang maiwasan ang aksidente. Kapag ligtas ang iyong manggagawa sa construction site, makakaasa kang mas magiging mabuti ang kanilang trabaho at ito ay makakatulong sa iyong negosyo.
Mandatory man ang paggamit ng construction netting sa Pilipinas, hindi lahat ng construction firms ay may akses sa de-kalidad na nets. Kinakailangan gumamit ng nets na may pinakamataas na kalidad upang maiwasan ang common construction accidents.
Sa Philippine Ranging Nets, may tatlong uri ng construction netting—CC Net, DryNet, at BNet—na maaaring pagpilian base sa price point at pagkapino ng pagkakahabi sa mismong net. Bisitahin ang aming katalogo online at pumili ng aakma sa pangangailangan ng iyong proyekto.