Kung isa ka sa mga nagnanais na magpatayo o magpaayos ng bahay, o kaya’y isang baguhang construction firm na gustong tulungan ang kliyente mong makamura, dapat na siguraduhin ang iyong checklist upang maisaayos ang iyong budget plan.
Sa article na ito, talakayin natin ang una mong dapat malaman: ang house construction costs sa Pilipinas.
Bakit Dapat Tukuyin Ang House Construction Costs sa Pilipinas?
Importanteng matukoy ang total costs na kailangang paghandaan bago pa man simulan ang pagpapatayo ng iyong bahay. Titiyakin nitong walang magiging delays sa iyong construction project na related sa iyong badyet, at walang nasasayang na oras at mga materyales. Bagaman imposible ang pagkakaroon ng eksaktong pagtatantya sa house construction costs dito sa bansa, layon naming bigyan ka ng general idea na maaaring magamit bilang ballpark sa pagpaplano.
Mga Dapat Ibilang sa Philippine House Construction Costs
- Importanteng hawak mo ang Transfer Certificate of Title kung ikaw ay magpapatayo ng bahay sa isang bakanteng lote. Kung wala ka namang Lot Plan, kinakailangan mong kunin ang serbisyo ng geodetic engineer upang masukat ang iyong lote. Ito ay karagdagang gastusin na maaaring humigit-kumulang sa ₱10,000.
- Karagdagang gastos din ang pag-hire ng arkitekto para sa disenyo ng iyong bahay. Ayon sa Republic Act 9266 o Philippine Architecture Act, ang nararapat na bayad sa arkitekto ay 10 porsyento ng kabuuang halaga ng proyekto.
- Kailangan mo ring kumuha ng Building Permit na siyang magpapatunay na legal ang ginagawang construction. May katagalan ang pagproseso nila. Sa Metro Manila, natatayang nasa isa o dalawang buwan ang hihintayin bago maaprubahan ang iyong permit. Para sa residential construction, tinatayang nasa ₱15,000 ang kailangang bayaran para makakuha ng Building Permit. Maaaring mas mataas ang rate depende sa laki ng iyong proyekto.
- May Barangay Permit at Occupancy Permit ding maaaring kailanganin bago makuha ang Building Permit—ang mga ito ay karagdagang construction cost para sa iyong residential project.
- Bukod dito, mayroong required Electric, Mechanical, at Electric Inspection Fees ang Department of Public Works and Highways na ina-apply sa parehong residential at commercial construction projects. Para sa mas komprehensibong listahan, basahin ang opisyal na memorandum ng DPWH.
- Hindi man common para sa mga Pinoy na gumamit ng safety nets sa residential construction sites, mainam na magkabit nito lalo na kung mataas ang bahay o apartment na inaayos. Kung hanap ay mura at matibay na construction safety net, kumunsulta sa Philippine Ranging Nets. Depende sa uri at size ng net na iyong hanap, naglalaro sa pagitan ng ₱2,622 at ₱6,336 ang presyo ng aming construction safety nets—talagang abot-kaya at sulit para sa kalidad nito.
Kayang Makamura sa House Construction Costs sa Pilipinas
Upang masigurado ang pagkapulido’t kaligtasan ng iyong binubuong bahay sa Pilipinas, marapat na hindi magtipid sa iyong house construction costs, lalo na sa pag-hire ng experts at pagkumpleto ng mga dokumentong kailangan mo. Sa kabilang banda, madali namang makatipid sa safety measures na nais iimplement sa iyong construction site. Kung mag-iinvest sa safety nets na pang-construction, tiyak na mas makakasulit ka.
Sa Philippine Ranging Nets, makakapili ka sa iba’t ibang klase ng construction netting—CC, BNet, at DryNet—ayon sa iyong pangangailangan sa badyet at tipo ng construction na paggagamitan. Bisitahin ang aming website upang tingnan ang aming product catalog.