Nasa peligro na naman ang ating mga alaga sa muling paglaganap ng bird flu outbreak sa Pilipinas. Nitong Marso, may walong kumpirmadong bird flu outbreaks ang naitalaa sa South Luzon. Nasa 2,000 ang bilang ng mga pugo at itik na apektado ng sakit na ito.
Ayon sa World Organization for Animal Health, ang mga lugar kung saan kumalat ang avian influenza ay Pampanga, Nueva Ecija, Isabela, Tarlac, Benguet, at Laguna. Maging ang Mindanao ay naabot na rin ng sakit. Naitala ang bird flu outbreak sa South Cotabato.
Kaya naman, nararapat lamang na triplehin ang ating efforts upang pangalagaan ang ating mga alagang free-range chickens. Kung raising backyard chickens ang iyong hilig o hanapbuhay, alamin ang kung paano makakaiwas sa bird flu outbreak sa article na ito.
Ano Nga Ba Ang Bird Flu Outbreak?
Ang Avian influenza o bird flu ay isang sakit na dulot ng impeksyon galing sa Influenza Type A virus. Ito ay karaniwang kumakalat sa mga aquatic na ibon at nakakahawa sa mga domestic poultry kasama na ang free-range chickens.
Ang pagkakaroon ng bird flu outbreak ay isang stigma na maaaring makaapekto sa kabuhayan ng mga raising backyard chickens ang trabaho. Ang mga manok na free range ay may access sa labas, at may panganib na malantad sila sa mga posibleng carrier ng mga virus tulad ng daga, ligaw na ibon, at iba pang ligaw na hayop.
Paano Iiwas sa Bird Flu Outbreak: Mga Pwedeng Gawin
Sa isang banda, gusto mong tamasahin ng iyong mga manok ang kalayaan upang lumaki nang malusog. Kasabay nito, nais mong protektahan sila mula sa mga sakit, gaya ng bird flu outbreak. Paano mo mapagsasabay ang dalawa?
Sundin ang mga tips na ito upang mapanatiling ligtas at maliksi ang iyong free-range chickens.
Biosecurity plan laban sa bird flu outbreak
Ang good news ay maaari mong bawasan ang panganib ng sakit na ito sa pamamagitan ng isang epektib na biosecurity plan. Ang planong ito ay binubuo ng:
- Regular na paglilinis ng free-range chickens;
- Pagbibigay sa kanila ng de-kalidad at masustansyang feeds;
- Pagsuri sa kalidad ng tubig na kanilang iniinom;
- Pagsigurado na ang mga manok ay nananatili sa kanilang designated area lang; at,
- Paglilimita sa kung sinu-sino ang may access sa iyong mga manok.
Paghuhugas ng kamay
Hindi nakakahawa para sa mga tao ang bird flu, pero maigi pa ring maging maingat para sa sariling kalusugan. Ugaliing maghugas ng kamay bago at pagtapos humawak ng free range chicken. Ito ay ‘di lamang para sa pansariling kaligtasan. Kasama rin ito sa chicken care na dapat ibigay sa iyong alaga. Anumang dumi ang iyong makuha bago hawakan ang manok, at least ay sigurado kang nalinis mo muna at hindi ito makukuha ng alaga.
Pag-install ng free range nets para maiwasan ang bird flu outbreak
Kung raising backyard chickens ay negosyo para sa iyo, dapat kang mamuhunan sa chicken nets. Kinakailangan ito upang maingatan nang wasto ang mga manok. Makakatulong din ang free-range nets upang mas makontrol mo ang kapaligiran ng mga manok.
Nagsisilbing pantulong ang mga free-range net sa pagprotekta ang iyong mga manok labas sa mga sakit. Ang chicken net ay nagbibigay ng pisikal na barrier na makapipigil sa pagpasok ng mga ligaw na hayop na maaaring madala ng sakit. Syempre pa, maiiwasan din ang pagtakas ng mga manok.
Iwasan ang Bird Flu Outbreak Gamit ang Free Range Nets ng PRN
Kung todo-proteksyon mula sa bird flu outbreak ang iyong hanap, hindi sasapat ang pipitsuging free range nets. Pumili ng de-kalidad na chicken nets na garantisadong pangmatagalan ang gamit. Maganda rin kung ito ay madaling linisin at gawa sa materyales na ligtas para sa mga alaga mong free range chickens.
‘Wag nang lumayo pa. Sa Philippine Ranging Nets, makakasigurado kang protektado ang iyong mga manok. Para sa abot-kayang chicken nets, bisitahin ang catalog ng Philippine Ranging Nets.