Ang paglago ng ekonomiya ay nagbukas ng mas maraming oportunidad para sa commercial construction. Dahil dito, ang konstruksyon sa Pilipinas ay isa na ngayon sa pinaka-progresibong industriya.
Sa blog post na ito, alamin natin ang mga iba’t ibang aspeto ng commercial construction. Makakatulong ito sa mga namamahala ng construction firms upang makasigurado sa kalidad ng kanilang trabaho.
Ano ang Tinatawag na Commercial Construction?
Matatawag na commercial construction ang isang proyekto kung higit sa kalahati ng espasyo ay nakalaan para gamtin para sa commercial activities. Mapa-retail services, kainan, ospital, o business operations man ‘yan, saklaw ang lahat ng mga ito sa commercial buildings.
Iba ang requirements na dapat ilaan para dito kumpara sa residential projects. ‘Di hamak na mas maraming amenities ang kailangan. Kaya naman, mahalaga ring siguraduhin ang tibay ng estruktura ng building dahil ilang daang buhay ang nakadepende sa kalidad ng gawa mo.
Dahil ginagamit ang mga ganitong proyekto para sa commercial activities, madalas na malalaking kumpanya ang nagkukumisyon. Dahil dito, umaabot sa bilyon ang maaaring maging cost ng commercial construction, lalo na kung high-class ang nais na maipatayong buildings.
Kaya naman, mataas din ang standards pagdating sa pagpili ng commercial firms na tatrabaho. High quality na mga materyales din, lokal man o inaangkat mula sa ibang bansa, ang ginagamit para sa high-profile commercial construction projects.
Usaping Kaligtasan Sa Commercial Construction
Ang prayoridad ng bawat proyekto, commercial man o residential, ay ang kaligtasan ng mga manggagawa at ng mga taong gagamit ng building.
Nararapat lamang na siguruhin ng construction company na ligtas ang mismong construction site at matibay ang pagkakagawa ng building. Isang paraan upang matiyak ang kaligtasan ng lugar ay ang paglalagay ng construction safety net.
Karamihan sa mga kumpanya sa linya ng construction sa Pilipinas ay nagha-hire ng safety officers na inaatasang panatilihing maayos at ligtas ang lugar. Kadalasan, sila ang pipili sa tamang construction netting at iba pang mekanismo upang bigyang-proteksyon ang kanilang workers.
Sa paggamit ng construction nets, makakaiwas sa aksidente ang isang kumpanya. Ilan sa mga aksidenteng maaaring makaapekto sa isang proyekto ay ang pagkahulog ng isang construction worker, o pagtama ng nahulog na debris sa isang passerby.
Gawing Ligtas ang Commercial Construction Gamit ang PRN Nets
Mandatory ang paggamit ng construction safety nets sa Pilipinas. Bilang supplier ng quality nets, layunin ng Philippine Ranging Nets na makapagbigay ng top quality products para sa commercial construction companies sa Pilipinas.
Sa PRN, mayroong tatlong uri ng construction netting na maaaring pagpilian. Pumili mula sa CC, BNet, at DryNet ayon sa iyong pangangailangan, badyet, at tipo. Tingnan ang aming product catalog.