Kung ikaw ay nag-aalaga ng mga manok, ang isa sa mga dapat mong pagtuunan ng pansin ay kung paano iiwas sa salmonella bilang parte ng free range chicken care. Lalo na itong kailangan kung ginagamit o kinakain niyo ang mga itlog ng inyong alaga. Ang article na ito ay tatalakayin ang mga tamang pamamaraan upang makaiwas sa salmonella ang iyong backyard chicken.
Paano Iiwas sa Salmonella ang mga Alagang Manok?
Bago natin suriin kung paano iiwas sa salmonella, dapat muna nating alamin kung ano ito. Ang salmonella ay isang uri ng bacteria na karaniwang nagiging sanhi ng food poisoning. Ito ay nagdudulot ng pagkasira ng tiyan, diarrhea, lagnat, at pananakit sa sikmura. Hindi lamang manok ang apektado dito, kundi maging mga tao.
Ang food poisoning na dulot ng salmonella ay maaaring maging sanhi ng kamatayan kung hindi mabibigyan ng karampatang lunas.
Kung mag-aalaga ka ng backyard chicken o free range chicken, narito ang ilang hakbang kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng salmonella mula sa mga alaga.
Kumuha Lang mula sa Mapagkakatiwalaang Supplier
Kung mag-aalaga ng manok, siguraduhing mapagkakatiwalaan ang mga supplier na pinagkukuhanan mo. Gayun din sa feeds na iyong ipakakain sa kanila, at iba pang mga kagamitang kailangan mo para sa free-range chicken care.
Isang sure na paraan upang malamang pwede mo pagkatiwalaan ang supplier ay kung wala silang history ng salmonella o iba pang malalang sakit sa kanilang sariling farm. Dapat na mataas ang kalidad ng kalinisan ng mga supplier na iyong pagkukunan.
Maglinis Upang Makaiwas sa Salmonella
Ang pinakamainam na gawin para makaiwas sa aalmonella ay panatilihing malinis ang lugar kung saan gumagala ang mga manok. Pati ang mga gamit sa pag-aalaga ay dapat palaging nililinis upang hindi magdulot ng pagkakasakit.
Tandaan, hindi lang salmonella ang dapat na iwasan. Paghiwalayin din ang mga gamit sa pag-aalaga upang maiwasan ang cross-contamination.
Huwag Masyadong Lalapit sa mga Manok
Bagaman nakakagiliw ang mga manok bilang alaga, tandaan na may malaking risk kapag sila ay nasa labas lang. Isa sa mga paraan kung paano makaiiwas sa salmonella ay ang huwag masyadong close sa mga manok. Maaari kang maka-contract ng sakit mula sa pagdikit-dikit sa mga manok.
Kung nais mo talagang magkaroon ng alagang-bahay na manok, mas mabuting gawin itong domesticated at isama mo sa loob ng bahay kung saan mas maliit ang chance na sila ay ma-infect. Tandaan, hindi lamang salmonella ang maaaring makuha ng mga alaga ninyo sa labas ng bahay. Marami pang ibang sakit ang nagkalat.
Maglagay ng Chicken Fencing
Kahit pa mga free range chicken ang inaalagaan mo, hindi ibig sabihing hahayaan mo na lang silang gumala kahit saan. Iyon ang maaring maging sanhi na sila ay magkasakit.
Gumamit ng range net para sa mga manok upang bigyan sila ng oportunidad na maglakad-lakad sa labas ng kanilang kulungan nang kontrolado mo pa rin ang kanilang ginagalawan. Kapag mayroong chicken net, garantisadong ligtas ang iyong mga alaga mula sa mga pesta at sakit.
Kung nais bumili ng abot-kaya at high-quality na netting para sa iyong mga free-range chicken, umorder na sa Philippine Ranging Nets! Makakasigurado kang matibay at pangmatagalan ang gamit ng aming chicken nets.