Di makakailang mahal na ang mga bilihin ngayon. Kung ikaw ay isang tagapag-alaga ng manok, hindi praktikal na gumastos ng malaki para sa araw-araw na pangangailangan ng iyong mga free-range chicken care kung may mas murang DIY options ka naman. Isa na rito ang paggawa ng sariling organic chicken feed. Isa pang perk nito ay ‘di hamak na mas sigurado mo ang nutrisyon na nakukuha ng iyong mga alaga.
Matutong gumawa ng sarili mong organic chicken feed gamit ang mga ingredients na madaling maangkat o maipon. Sa article na ito, bibigyan ka namin ng ilang tips.
Alamin Kung Paano ang Tamang Paggawa ng Sariling Organic Chicken Feed
Ano nga ba ang mga pagkaing pwedeng gamitin para gumawa ng sariling organic chicken feed? Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pwedeng kainin ng iyong free-range chicken.
1. Balat ng pakwan
Masarap kainin ang pakwan, ngunit hindi alam ng lahat na maaaring gamitin ang balat nito para gumawa ng sariling organic chicken feed. Kailangan itong ihanda nang maayos upang maging safe para sa mga manok.
Bago ipakain ang balat ng pakwan sa mga manok, pakuluin muna ito hanggang sa maluto. Ibilad ito sa araw at gawing parang giling. Pagkatapos, pwede mo na ito isama sa regular na chicken feed bilang pandagdag nutrisyon para sa iyong mga backyard chicken.
2. Buto ng sunflower
Magandang source ng protein ang buto ng sunflower. Bukod sa pagiging masarap, ligtas rin itong kainin para sa mga manok. Ang maganda sa buto ng sunflower ay nakakatulong ito sa pagpalakas ng mga manok.
Mura rin ito and madaling hanapin sa mga tindahan. Bukod sa pangkain ng iyong manok, pwede rin ito para sa iyong sariling snack habang ikaw ay gumagawa ng sariling organic chicken feed.
3. Balat ng saging
Maaaring gamitin ang balat ng saging na saba upang gumawa ng sariling organic chicken feed. Upang maging safe para sa mga manok, kailangan itong himayin nang pino. Pakuluan ito ng isang oras at pagkatapos ay alisin ang tubig at palamigin.
Pagkatapos, isama ito sa dried chicken manure at darak. Haluing mabuti ang tatlong ito and ibilad sa araw. Durugin ito nang maigi para makain ng mga manok. Pwede mo itong gamitin upang bawasan ang mais na kinakain ng iyong alaga araw-araw.
4. Damong-dagat
Kung nakatira ka malapit sa dalampasigan, madali kang makakahanap ng damong-dagat o seaweed. Para gumawa ng sariling organic chicken feed gamit ito, kailangan mong ibilad ang seaweed sa araw hanggang sa matuyo ito nang maiigi. Durugin ito nang mabuti para makain ng iyong mga alaga.
Ang maganda sa damong-dagat ay puno ito ng sustansya para sa iyong mga manok. Maraming protein at fiber ang mga seaweed, kaya’t paborito rin itong kainin ng mga tao bilang sides sa mga ulam.
Panatilihing Healthy Ang Alagang Manok
Bukod sa paggawa ng sariling organic chicken feed, maaari kang makatipid kung mag-iinvest ka sa mgamura at kalidad na chicken net. Importante ang paggamit ng range net for chickens upang mapanatili silang maliksi at physically healthy kahit na limitado ang kanilang lupang ginagalawan.
Kung nais mong maka-score ng kalidad na chicken net para sa murang presyo, umorder na sa Philippine Ranging Nets. Gamit ang aming top-quality chicken nets, maaalagan mo nang wasto ang iyong mga alaga nang hindi nangangailangan ng napakalaking gastos sa maintenance. Tingnan ang aming mga chicken nets at pumili na ng aakma para sa paggamit ng iyong mga alaga.