Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang pag-aalaga ng manok sa mismong likod-bahay natin, lalo na kung ikaw ay taga-probinsya. Bagaman hindi karaniwan ang makakita ng backyard farming sa mga urbang komunidad, mayroon pa ring sumusubok ng ganitong set-up sa mga mumunting bakanteng-lote. Hindi problema kung paano ito gagawin—ika nga nila, kung gusto, may paraan. Gayunpaman, ang dapat na alamin ay kung ligtas nga ba ang ganitong gawain.
Alamin ang mga potensyal na peligrong kaakibat ng backyard farming para sa iyo, sa iyong alaga, at sa iyong komunidad, at kung paano maaaring solusyunan ang mga ito. Makakatulong ang mga sumusunod na punto sa mga taong nag-iisip kung mainam ba ang pag-aalaga ng sariling free-range chickens sa kanilang bakuran.
1. Isyu sa espasyo
Isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga manok ang malawak na espasyo upang lumibot at makapag-ehersisyo. Dahil dito, inirerekomenda lamang ang backyard farming sa mga indibidwal na kaya itong tugunan. Kung ikaw ay nakatira sa makitid na espasyo, malamang na hindi ito sasapat para sa mga manok.
Marahil ay nakakita ka na ng mga alagang manok na limitado lamang sa mumunting kulungan. Bagaman mukha itong praktikal at madaling gayahin, hindi dapat alisan ng pagkakataon ang alagang manok na maatim ang kinakailangan niyang lugar upang makagalaw. Kung mag-aatubiling ibigay ito sa alaga, marapat na huwag na munang sumubok na mag-alaga ng free-range chickens.
2. Problema sa komunidad
Likas na maingay ang mga manok, lalo na sa umaga kung kailan ito madalas ang bumabati sa pagsikat ng araw, bago pa man bumangon ang karamihan. Maaaring maging isyu ito sa mga kapitbahay, lalo na kung ang mga bahay sa inyong lugar ay napakalapit sa isa’t isa.
Bukod dito, dapat maging mapag-unawa sa sensitivities ng mga kapitbahay. Hindi maiiwasan na makatagpo ng ilang maselan sa kanilang paligid na maaaring hindi sasang-ayon sa pagkakaroon ng mga manok sa kanilang tabing-bahay. Ang pinakaligtas na gawin ay kumunsulta sa iyong barangay at asosyason ng homeowners sa inyong lugar upang magtanong kung maaari bang pahintulutan ang iyong backyard farming. Kung gagawin ito, posibleng makatulong ang mga awtoridad na humanap ng aakmang lugar para sa iyong mga manok, sakaling hindi pwede sa iyong mismong bakuran.
3. Kakayahang ipagpatuloy
Magsimula man ito para sa iyo bilang isang kaswal na libangan, ang pag-aalaga ng mga manok ay isa pa ring commitment na dapat tingnan nang pangmatagalan. Hindi ka pwedeng tamarin sa pag-aalaga, at kung wala kang katuwang sa gawaing ito, kailangan ay lagi kang nakatutok sa anumang kailanganin ng iyong manok. Siguraduhing lagi ito mayroong sapat na pagkain at tubig. Dapat ring regular ang paglilinis sa kanilang lugar.
4. Potensyal na banta sa kaligtasan
Dapat na maging maingat sa mga hayop na maaaring manakit sa iyong alagang manok, tulad ng malalaking aso, daga, at ibang mga peste. Maging consistent sa pagprotekta sa manok, at siguraduhing matibay ang kanyang kulungan o ang nets ng kanyang tangkal upang hindi biglang makatakas. Mainam na solusyon dito ay ang pagbili ng dekalidad na free-range nets o chicken nets, at iba pang angkop na kagamitan.
Ang pagpapalaki ng free-range chickens ay hindi para sa lahat, ngunit kung handa ka sa responsibilidad at mayroon kang kakayahang gawing pangmatagalan ang pag-aalaga, maaari kang magsimula sa backyard farming.
Sundin ang tips na aming ibinahagi, at mamunuhan sa mahusay at matibay na free-range nets. Ang Philippine Ranging Nets ay dalubhasa sa larangan ng ranging nets, kaya naman makasisigurado kang ang aming produkto ay pangmatagalan. Madali lamang i-install at linisin ang aming chicken nets, mainam para sa mga taong nais munang sumubok ng backyard farming.
Ang kapakanan ng iyong mga alagang manok ang aming prayoridad. Makipag-ugnayan para sa iyong unang order.