Bagaman may pagkakatulad sa itsura, talagang naiiba sa isa’t isa ang gamefowl at regular na manok. Una sa lahat, hindi nakakasabak sa sabong ang isang regular na tandang, gaano man ito kalakas para sa kanyang uri. Sa kabilang banda, mayroon naman din itong natatanging kakayahan.
Gayunpaman, sa mata ng hindi maalam sa poultry, marahil na maging hamon ang pagsusuri sa kanilang mga pinagkaiba. Ano pa ang mga katangian ng isang gamefowl na hindi mahahanap sa regular na tandang? Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga pagkakaiba nilang dapat malaman kung nais na magsimula bilang gamefowl breeders.
Ano ang ginagawang regular ng tandang?
Ang tipikal na tandang ay isang lalaking manok na pinalaki sa mga breeding farm upang magparami ng mga manok. Kahit na may abilidad ang inahing manok na mangitlog nang walang katalik na tandang, nakatutulong ang tandang sa pagiging fertile ng itlog upang mabuo ito bilang isang sisiw. Ang tandang din ang nangunguna sa pagprotekta sa mga inahin at iba pang mga kasama sa tangkal mula sa posibleng kapahamakan. Dahil dito, madalas na tinitingnan ang mga tandang bilang pandagdag-kita ng mga tagapag-alaga.
Syempre pa, ginagamit din ang karne nito para sa pagkain. Gayunpaman, mas madalas pa ring gamitin ang karne ng inahin dahil mas mura ang maintenance nito kumpara sa mga lalaking manok.
Maraming mga kumpanya, sa loob ng bansa at maging sa ibang panig ng mundo, na namumuhunan nang malaki sa pananaliksik at pagpapaunlad ng mga paraan upang maging mas malusog ang karne ng tandang at mapabilis ang paglaki ng mga ito.
Paano nagkakaiba ang gamefowl at regular na tandang?
Isang uri ng tandang ang gamefowl, na kilala rin bilang fighting cock. Ang mga ito ay pinalaki para maging mga prizefighter. Sa simula pa lang, ang isang manok na panabong ay binibigyan na ng espesyal na pangangalaga at pagsasanay upang maging handa sa pakikipaglaban sa sabungan.
Tulad ng mga atleta, ang mga gamefowl ay sumasailalim sa mabigat na pagsasanay na pisikal, ‘di gaya ng mga regular na tandang na hindi kinakailangan ng matinding ehersisyo. Binibigyan din ang mga manok na panabong ng pagkain at supplements na tumutulong sa pagpapaunlad ng kanilang kalamnan. Kaya naman, ang kanilang bigat at pagkahubog ng kalamnan ay ilan sa mga tandang pisikal na maaaring tingnan upang mapagkaiba ang gamefowl sa regular na tandang.
Dahil dito, nagiging mas agresibo at maliksi ang mga gamefowl kaysa sa mga regular na tandang. Bilang mga sanay sa pakikipaglaban, maaari silang magdulot ng malubhang pinsala sa mga taong ‘di nila kilala kung susubukan ng mga itong hawakan sila. Bagama’t maaari pa ring gamitin ang mga gamefowl upang magparami kasama ng mga inahin, hindi ito inirerekomendang gawin dahil sa agresyon nito maaari ring mapahamak ang inahin.
Nakasalalay sa kanilang liksi, tibay, at bilis ang pagkapanalo ng gamefowl sa sabong. Kaya naman, ang laki ng gamecock ay nakakaapekto sa kanyang pakikipaglaban. Hindi palaging nananalo sa laban ang mas malaking manok, lalo kung napapabagal siya ng kanyang timbang.
Pagdating sa karne, mas nakikinabang ang farmers sa regular na tandang dahil mas mainam ang karne nito kumpara sa gamecock.
Nais mo bang magpalaki ng prizefighters?
Kung interesado kang mag-alaga’t magparami ng gamefowl, dapat maging handang mamuhunan para sa mga kinakailangang kagamitan. Ito ay upang mapanatiling ligtas ang mga ito at matiyak na handa sila para sa cockfighting.
Isa sa mga dapat bigyang sapat na atensyon ang pagkakaroon ng chicken nets. Simple mang bagay, madalas makaligtaan ang kahalagahan ng chicken nets sa pagbibigay ng proteksyon sa mga alagang manok, gamefowl man o regular, sa mga posibleng pinsala. Gamit ang matibay na klase ng chicken nets, makakasigurado kang ligtas ang iyong manok, gaano man kalawak ang kanyang lugar.
Para sa dekalidad na chicken nets, kumunsulta sa mga eksperto. Ang Philippine Ranging Nets ay nangungunang supplier ng abot-kayang chicken nets na paniguradong pangmatagalan ang gamit. Tingnan ang aming katalogo rito.