Native man o imported ang iyong manok na panabong, madali lang mag-alaga dito sa Pilipinas kahit ano pa man ang mga lahi ng mga ito. Alam ng mga beteranong gamefowl breeders na hindi maselan ang mga manok sa lugar kung saan sila pinalalaki at pinapatibay bago isalang sa sabong. Ngunit importante pa rin alamin kung anu-ano ang iba’t ibang uri ng mga manok na panabong ang mga basic na sabong tips para maalagaan ang mga ito mula sa pagiging sisiw hanggang maging isang champion battle cock.
Iba’t ibang uri ng manok na panabong
Hatch
Ang mga manok na ito ay maalaga sa sarili at magaling sa ‘cutting’, mabilis, at malakas pag dating sa bakbakan. Berde ang mga paa ng mga Hatch at tunay na pangmatagalan dahil sa malakas ang kanilang mga resistensya.
Roundhead
Mula sa iba’t ibang parte ng Asya, ang mga Roundhead ay makikilala sa kakaibang ‘pea comb’ sa tuktok ng kanilang mga bilugang ulo. Sa laban, magaling sila sa liparan kahit na panandalian lamang ang lipad ng mga ito, at may mabagsik na sipa sa kanilang mga itim na paa.
White Hackel
Marami ang nagsasabing isa ang White Hackel sa pinakamagandang panabong sa buong dagidig dahil sa puti at malinis nitong balahibo. Kung ano ang ganda nito sya rin ang bagsik sa rueda gawa ng pagiging teknikal at matalino ngmga ito.
Lemon Fowl
Isang classic na panabong, ang Lemon Fowl ay ay may mala-berde o dilaw na paa at diretso at pulang balahibo. Nagmula ang breed na ito sa Pilipinas at magaling umilag sa kalaban habang mabilis naman umatake.
Kelso
Isa sa pinakamahusay na panabong ang Kelso na parehong magaling sa liparan at bakbakan sa lupa at isa sa mga matatalinong uri ng panabong. Ang kanilang mga paa ay nagiiba mula dilaw hanggang maging puti habang tumatanda.
Sweater
Magaling itong panabong na ito sa liparan at nagiiba ang mga balahibo nito mula sa dilaw hanggang sa maging ginto. Malapit ang breed na ito sa Kelso.
Sabong tips sa pagaalaga ng mga panabong
Dahil may iba’t ibang katangian ang mga manok na panabong, iba iba rin ang paraan kung paano alagaan ang mga ito. Mula sa pag-kundisyon ng mga ito bilang mga sisiw hanggang paglaki ng mga ito, narito ang ilan sa mga pangunahing paraan na dapat unawain sa pagaalaga ng mga gamefowl.
Pumili lang ng mga breed na aalagaan
Mga batikang mananabong mismo ang magsasabi na importante ang pagpili ng mga uri ng panabong iyong aalagaan bilang isang breeder. Bilihin ang mga ito habang sisiw pa lamang sa mga subok na breeders para makasigurado sa pisikal na mga katangian ng mga ito.
Gumawa ng brooder para sa sisiw
Importanteng maluwag ang brooder ng iyong mga sisiw upang hindi sila magsiksikan at mainitan habang nakakakulong. Ang tamang sukat ay dapat nasa ½ square foot para sa mga sisiw na maliliit at 1 square foot para sa mga lagpas isang buwan.
Maselan din sa init ang mga manok kaya wag hahayaang mainit ang kanilang brooder at may tamang ilaw gamit ang mga de-kalidad na shade nets tulad ng sa Philippine Ranging Nets. Sa gabi, lagyan sila ng bumbilyang may 100 watts sa kulungan para hindi sila lamigin.
Bigyan ang mga sisiw ng bitamina, bakuna, tubig at pagkain
Wag hahayaan maubusan ng tubig at pagkain ang iyong mga sisiw sa brooder. Bigyan sila ng vetracin o anumang antibiotic na tama para sa kanilang laki at gulang. Upang matukoy kung ano ang mararapat na dosage, ipatingin ang iyong mga sisiw sa isang beterinaryo at ikonsulta na rin kung anong mga bakuna ang nararapat iturok sa mga ito.
Paglayuin ang mga panabong na nasa kulungan
Nararapat na ilipat sa ibang kulungan ang mga malalaking panabong at dapat rin may tamang distansya ang mga ito upang wag magpangbuno ang mga ito at maiwasan ang sugatan o pagkamatay ng ibang mas mahina.
Gumamit ng de-kalidad na materyal
Mag set-up ng free range na bakuran gamit ang mga matitibay na range nets para lubos na ma-protektahan ang iyong mga manok sa mga galang hayop o peste.
Pag-aralan at balik-balikan ang mga sabong tips na ito upang maging madali ang pagpapalaki at pag babangis sa iyong mga manok na panabong. Para naman sa iyong mga pangagailangan para sa kanilang free range area, mag email sa Philippine Ranging Nets sa [email protected] o di kaya ay tumawag sa +63977 007 0228.
Philippine Ranging Nets provide Filipino-made multi-purpose nets mainly used for free ranging chickens and other poultry. Trusted by top-breeders, PRN’s top quality affordable ranging nets are available nationwide.