Mula nang sinalanta ng COVID-19 ang halos lahat ng aspeto ng ating pamumuhay, mas lalong naging maingat naman ang karamihan sa kanilang kalusugan. Pareho rin ang nangyari sa mga mahilig mag-alaga ng mga manok, panabong man o free-range chickens.
Tulad ng pandemya, ang iba’t ibang chicken diseases tulad ng Marek’s disease, mycoplasma, E.coli, o Salmonella Enteritidis ay pwedeng sumalakay nang biglaan at maaaring makasira ng negosyo o ikamatay ng inyong mga alaga.
Madali lang kung tutuusin at tunay na kasaya-saya ang pag-aalaga ng mga panabong o free-range chickens, basta’t mapanatiling malulusog ang mga ito. Kaya naman napaka-importanteng ilayo ang mga ito sa napakaraming sakit ibon na kumakalat ngayon.
Para mailayo sa peligro ang iyong mga alagang manok, narito ang ilang tips upang makasigurado kang protektado sila laban sa chicken diseases:
Panatilihing malinis ang kanilang tubigan at kainan
Ang pinakaimportante sa pag-aalaga ng mga manok, lalo na ng free-range chickens na maselan ang mga sikmura, ay ang pananatiling malinis ang mga kinakain at iniinom ng mga ito. Maaari mong linisin ang kanilang kainan at mga tubigan gamit ang mga disinfectant na hindi gaanong matapang. Hanapin sa selyo kung ligtas ang biniling disinfectant para sa iyong mga alaga at hindi ito nag-iiwan ng residual film.
Kung mayroon kang bleach sa bahay na hindi masyadong matapang, pwede ka rin maghalo ng siyam na parte ng bleach at sampung parte ng tubig upang gamitin panlinis. Siguraduhin lamang na walang natirang kemikal bago mo punan ng pagkain at tubig ang iyong waterer at feeder.
Siguraduhing na-disinfect nang mabuti ang bawat gamit at palitan ito kada linggo ng malinis na mga lalagyanan.
Huwag hayaang pamugaran ng chicken diseases ang iyong coop
Kung tayo’y maselan sa makalat na bahay, ganoon din ang iyong mga alagang panabong at free-range chickens. Kaya naman, isa rin sa essentials lalo na ngayong panahon ng pandemya ang regular na paglinis ng kanilang mga kulungan.
Makaligtaan mo lang na linisin ang mga basang kalat sa kulungan, siguradong pamumugaran agad ito ng mga parasites, virus, at bacteria na nagiging chicken diseases. Pulidong linisin ang iyong coop at ang mga free-range nets na ginagamit para sa mga ito, at bisitahin mo ito araw-araw ito para malinis ang mga naiwang dumi sa mga bedding.
Mainam din na palitan ang kanilang higaan kada linggo at magsagawa ng deep cleaning dalawang beses kada taon. Maglagay ng malinis na wood shavings sa sahig ng iyong coop at nest boxes. Siguraduhing nasa tatlo hanggang apat na pulgada ang taas nito mula sa sahig para mapanatiling tuyo at hindi mabaho ang loob nito.
Atbp. tips para maiwasan ang chicken disease
Tandaan na dapat laging malinis ang iyong mga kamay kapag pumapasok sa coop o kapag hahawakan ang iyong mga alaga o mga gamit nito. Tulad ng nakagawian ng karamihan ngayong pandemya, mainam ding magpalit ng damit at sapatos o tsinelas bago pumunta sa iyong mga alaga lalo na kung galing ka sa ibang manukan. Ito ay dahil napakadaling kumalat ng iba’t ibang chicken diseases.
Laging siguraduhing mayroon kang wastong stock ng free-range nets kapag mag-aalaga ka ng champion panabong o free-range chickens. Bukod sa proteksyon na naidudulot nito sa iyong mga alaga, pwede mo rin gamitin ang free-range nets para panglilim o sa pagpapanatiling malinis ng kanilang mga kulungan.
Sa mga baguhang nag-aalaga ng free-range chickens, makakabuti ang mga de-kalidad na chicken nets tulad ng mga gawa ng Philippine Ranging Nets para sa paggawa ng chicken coop o run. Matibay ito at hindi kamahalan kumpara sa mga mas matigas na materyal tulad ng hardware mesh o galvanized stainless steel wire. Bukod dito, madali pang linisin o palitan ang mga free-range nets.
Epektibo rin ang mga chicken nets para maiwasan ang mga lamok o iba pang galang hayop na pwedeng magdala ng sakit sa iyong mga alaga.
Bisitahin ang Philippine Ranging Nets at alamin kung anong free-range nets ang nararapat para sa iyong chicken coop at kung paano mailayo ang iyong mga alaga sa mga chicken diseases.