Anumang hayop ang nais mong alagaan, laging ‘survival of the fittest’ ang labanan. Kung papasok sa negosyong free-range chicken at egg production, o di kaya’y isang mananabong, may karamihan ang kontrabida sa kalusugan ng iyong mga manok o panabong ang dapat na kilalanin. Syempre, hindi makakailang masarap ang manok pang-ulam, at may ilan ring hayop at insekto ang makakapagpatunay dito.
Sa Pilipinas, mas madali kahit papaano ang pagbibigay ng proteksyon sa mga free-range chickens o panabong kumpara sa mga bansang gaya ng United States. Wala o kakaunti, kung mayroon man, ang mga lugar sa bansa kung saan namumuhay ang mga ligaw na soro, coyote, o raccoon. Ganunpaman, mayroong mga galang lawin, aso, at kwago na pwedeng ulamin ang inyong free-range chickens kung wala kang tamang proteksyon.
Mula sa tamang paggamit ng chicken nets para sa mura at matibay na proteksyon, hanggang sa ugali ng mga pangunahing kontrabida ng iyong mga manok, narito ang ilang chicken care tips na makakatulong sa iyong free-range poultry na negosyo o mga champion breeds:
Proteksyon gamit ang chicken nets
Una sa lahat, ang iyong free-range chickens o panabong ay madaling mabiktima ng mga ligaw na hayop dahil malaya silang nakakagala sa bakuran. Sa dami ng mga askal, pusakal, at mga sawang nananakal sa Pilipinas, madalas nasa peligro ang iyong mga alaga.
Dahil dito, kailangan mo magtayo ng tamang bakod sa iyong free-range area at mga tirahan na mailalayo sila sa mga galang hayop sa gabi gamit ang chicken nets.
Pumili ng tamang sukat ng mesh para sa iyong chicken nets at ibaon sa lupa ang mga dulo nito gamit ang mga wire, anim hanggang walong pulgada ang lalim. I-staple sa mga wooden frame at inspeksyunin ang perimeter ng iyong free-range area para sa mga punit o damage ng chicken wire.
Mga pangunahing kalaban ng mga manok
Tulad ng nasabi sa ating chicken care tips, may ilang hayop sa Pilipinas ang kadalasang nambibiktima ng mga alagang manok sa bakuran.
Narito ang ilan sa kanila at kung paano mailalayo ang iyong mga free-range chickens o panabong sa kapahamakan:
Aso
Kung mga magulang na manok ang nawawala sa iyong free-range area o sugatan ang mga ito, malamang aso ang iyong kalaban. Siguraduhing gumamit ng matibay na chicken nets para sa bakod na may taas na apat na talampakan.
Ahas
Mahilig ang mga ahas sa maliliit na sisiw kesa sa mga magulang na manok. Kung mapapansin na may kalat ng balahibo sa labas ng iyong free-range area, mainam na laliman mo ang pagkakabaon ng iyong chicken nets sa lupa at liitan ng bahagya ang mesh size ng mga ito para manatiling nasa labas ang mga ahas.
Kuwago at Lawin
At dahil meron mga kontrabida sa himpapawid tulad mga lawin o kuwago, pwede mo rin gamitin ang chicken nets sa pamamagitan ng pagtahi nito sa ibabaw ng iyong bakod. Maglagay rin ng mga lumang compact disc o retaso ng damit para makabugaw sa mga nasabing ibon.
Peste
Bukod sa mga maturang hayop, isa sa mga kailangan iwasan kapag nag-aalaga ng mga free-range chickens o panabong ang mga insekto at peste na pwedeng makapagdulot ng chicken diseases sa iyong mga alaga.
Base sa ilang seasonal chicken care tips, madalas maglabasan ang mga peste sa tag-ulan kung kailan namumugad ang mga lamok at mga bacteria na nagdadala ng mga sakit.
Maiiwasan ang pagkakasakit ng iyong mga free-range chicken at panabong kung ilalayo mo ang mga ito sa ibang kawan. Maglagay din ng mga organic na pest repellent sa kanilang coop, run, at paliguan tulad ng mint, lemon balm, o lavender upang mapuksa ang mga pesteng namumugad.
Huli sa lahat, palitan at panatiliing malinis ang bedding sa coop at nesting box ng mga ito. Ito ay dahil paborito ng mga surot at kuto tirahan ang mga bedding ng iyong mga alaga.
Mag-invest sa de-kalidad na chicken nets para sa proteksyon ng iyong mga alagang manok! Bisitahin ang Philippine Ranging Nets para sa mura, matibay, at magandang klaseng nets na talagang pangmatagalan ang gamit.