Maraming trends na dumating at lumipas mula noong nagkaroon ng pandemya. Mula sa iba’t ibang cooking recipes hanggang sa paghulma ng pottery sa sarili mong bahay, mahaba-haba ang listahan ng mga umusong bagay na nagsilbing pantawid sa buryo, pagod, at uyang dulot ng work-from-home setup.
Isa sa mga pinakasikat na uso sa gitna ng pandemya ang urban gardening. Sa literal na pag-translate nito sa Tagalog, ito ay ang pagpapalaki ng mga halaman sa isang kapaligirang urban. Bukod sa tipikal na indoor plants, marami ang sumubok sa pagpapalaki ng mga sariling gulay at prutas—kahit man ang mga nakatira sa siyudad kung saan hindi ito madalas makikita.
Mga Uri Ng Urban Gardening Na Dapat Malaman
Ano nga ba ang urban gardening, at bakit ito nauso? Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga klase ng urban gardening na makikitang ginagawa ng mga Pinoy ngayon, mapa-probinsya man o siyudad.
Edible landscaping
Ito ang tipo ng urban gardening kung saan nagtatanim ang mga tao ng mga halamang pwedeng kainin. Ang pagkakaiba nito sa tradisyonal na crop production ay ang paggamit ng iba’t ibang paraan upang bagayan ang mga tanim sa laki ng lugar na available.
Naging uso ang edible landscaping dahil nakakatipid ang mga tao sa mga gulay at prutas dahil mayroon na silang sariling tanim sa bahay.
Sa kabilang banda, maraming gulay, herbs, at prutas na maaaring itanim sa loob ng limitadong espasyo. Dahil tropikal ang klima sa Pilipinas, madaling bigyan ng tamang pansin ang mga halamang nakakain o edible. Kailangan lamang maging praktikal tungkol sa uri at laki ng halaman.
Vertical gardening
May mga taong nagpapalaki ng mga halaman upang maging dekorasyon ang mga ito sa kanilang tahanan. Ang vertical gardening ay ang klase ng urban gardening na aakma para sa taong nais magpalaki ng halaman upang gawing palamuti sa kanilang mga dingding o bubong.
Ang layunin ng urban gardening type na ito ay pagpapaganda ng lugar kung saan tutubo ang mga halaman.
Kung nais mong umusbong ang iyong mga halaman, importante ang pagpili nang tamang halamang iyong gagamitin. Kailangan mo ring mag-invest sa mga kagamitan upang masigurado ang pagyabong pataas ng iyong mga halaman.
Squarefoot gardening
Ito naman ang tipo ng urban gardening na pinakasikat para sa maliliit na espasyo tulad ng condominium at apartment units.
Bukod sa pagiging kaayaaya sa paningin ng mga mumunting halamang angkop sa squarefoot gardening, nagiging source din ang mga ito sariwang hangin na swak na swak sa mga lugar na madalas ay claustrophobic kung tutuusin.
Kinakailangan mo lang bumili ng maliliit na paso at halaman upang magpalaki sa iyong bahay. Maaari mong gamitin ng mga ito bilang palamuti, basta pasok sa iyong aesthetic at hindi gaanong nakaka-istorbo sa mga alagang hayop.
Kung nais mong subukin ang squarefoot gardening, dapat pumili ng halamang madali ma-maintain. Mayroong mga halamang babagay sa makikitid na lugar dahil hindi gaanong lumalaki ang mga ito. Halimbawa nila ay ang mga sikat na succulents na usong-uso sa mga plantito at plantita. Importante na manaliksik nang maigi bago bumili ng mga halaman.
Alagaan Ang Mga Halaman Gamit Ang Garden Nets
Bukod sa pagpili ng mga tamang halaman, importante ring mamuhunan sa tamang kagamitan. Ang ganda at kalidad ng iyong urban garden ay nakasalalay sa iyong pangangalaga. Kung gusto mong lumaki nang husto ang iyong mga halaman, ugaliing gumamit ng garden nets, kahit pa sa loob ng iyong bahay.
Sa Philippine Ranging Nets, makakapili mula sa tatlong uri ng garden nets, depende sa pursyento ng shade o lilim na nais mong makuha ng iyong halaman mula sa net.
Kung tingin mong makakatulong sa iyong halaman, available din ang mosquito nets na mas mainam sa pagbibigay ng proteksyon laban sa mga lamok at peste.
Bisitihan ang aming website at pumili ng garden net na aakma sa iyong urban garden.