You are currently viewing Aprub Na Chicken Coop Recycling Ideas Para Sa Iyo At Mga Alagang Free-Range Na Manok

Aprub Na Chicken Coop Recycling Ideas Para Sa Iyo At Mga Alagang Free-Range Na Manok

Kahit pa matibay ang pagkakagawa ng iyong chicken coop at tunay itong pangmatagalan, darating ang panahon na masisira ito at hindi na pwedeng tirahan ng iyong mga alagang free-range chickens o gamefowl. Kung ikaw ay ‘di pa gaanong bihasa o kulang pa sa chicken coop ideas, wag mag-panic dahil ibabahagi namin sa iyo ang ilang subok na paraan gamit ang mga DIY chicken nets at ilang gamit na matatagpuan sa iyong bakuran.

Mapa-brooder man o sarili mong working station, narito ang ilang tips na pwede mong subukan para ma-recycle ang iyong mga lumang tangkal ng manok:     

Brooder

Bakit magandang idea ang gawing brooder ang pinaglumaang chicken coop?

Karamihan sa mga free-range chicken raisers ang gumawa na ng brooder gamit ang mga pinaglumaang tangkal o tractor. Mainam ito lalo na pag mayroon kang alagang mga sisiw na makukulit at madaling mapahamak sa labas ng tangkal. 

Madali lang gawing isang brooder ang iyong lumang chicken coop gamit ang plastik at free-range nets. Dalhin mo lang ang coop o tractor sa isang nababakurang lugar tulad ng laundry area o garahe, at maglatag ng plastic tarp sa ilalim nito. Siguraduhing nakabalot ng makapal na plastik ang mga panel ng tangkal at may tamang allowance para sa daluyan ng hangin gamit ang iyong free-range nets.

Maglagay ng heat lamp sa loob ng brooder para hindi lamigin ang mga sisiw. Para walang maging hassle, maghanda ng isa pang brooder na mayroong mas mainit na temperatura nang sa ganoon, pwede mong gamitin ang extra brooder kapag lumamig ang panahon.

Bakit magandang chicken coop idea ang brooder?

Unang-una, kailangan ito ng makukulit mong sisiw at ito ang iyong best option kung bago silang labas mula sa kanilang mga itlog. Madalas mas mahirap ‘pag may naramdamang hindi tama ang iyong inahin na pwedeng niyang ikadismaya, kaya siguraduhing tama lagi ang init sa loob ng iyong brooder

Tool Shed

Isa pang sa aming mga bright chicken coop ideas ay ang paggawa ng tool shed para sa sarili mong workstation.

Isa pang sa aming mga bright chicken coop ideas ay ang paggawa ng tool shed para sa sarili mong workstation. Kung mayroon kang maliit na tangkal, swak na swak ito para gawing storage ng iyong gardening tools o iba pang gamit sa pag-aalaga ng iyong free-range chickens.  

Pasadahan lang ng panibagong pahid ng pintura ang lumang tangkal at maglagay ng ilang kawit sa mga dingding nito para maging mas organisado ang paglagay ng iyong mga gamit. Para sa roosting area ng tangkal, maaari itong ayusin para maging isang desk. Gumamit ng de-kalidad na free-range nets tulad ng mga mula sa Philippine Ranging Nets para ‘di makapasok ang mga lamok o insekto sa loob habang ikaw ay nagtatrabaho. 

Tandaan: kung pwede mong gawing chicken coop ang iyong tool shed, uubra din kung baliktarin mo ang iyong diskarte sa mga ito.

Bahay ng ibang mga alaga

Kung mayroon ka pang ibang alagang maliliit, magandang ideya rin ang gamitin ang mga lumang chicken coop o tractor bilang bahay ng mga ito.

Kung mayroon ka pang ibang alagang maliliit, pwede mo ring gamitin ang mga lumang chicken coop o tractor bilang bahay ng mga ito. Mapa-ibon man o mga cute na tuta, pwede mong gamitin muli ang iyong tangkal basta may tamang sukat ito para hindi masikipan sa loob ang iyong mga alaga.

Kung para sa mga ibon o tuta, balutin ng mga bagong free-range nets ang paligid nito para magkaroon silang tamang daluyan ng hangin at hindi nakatago sa pangin. Kung para sa iba pang maliliit na alaga tulad ng kuneho, maglagay ng hardware cloth sa ilalim ng iyong tangkal para hindi nila mahukay ang lupa at makalabas. Babaan ang mga nesting areas upang makatalon ang mga kuneho sa ibabaw ng mga ito. Huli sa lahat, maglagay din ng heat lamp sa panahon ng taglamig.   

Gumamit ng de-kalidad na free-range chicken nets

Ilan lang ang mga ito sa maraming chicken coop ideas na pwedeng gawin upang ma-recycle mo ang iyong mga lumang tangkal. Kadalasan, ang kailangan mo lang ay ilang gamit at mga free-range chicken nets upang para mai-repurpose ang mga ito at hindi masayang.

Para sa mga de-kalidad na free-range chicken nets na maaaring magamit pang-DIY, bisitahin ang Philippine Ranging Nets!