Dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin ngayon, maraming Pilipino ang nagpapasyang bumalik sa old school na pamumuhay at magtanim ng sariling mga prutas at gulay. Sa tulong ng isang edible garden, mas madaling makakatipid sa pang araw-araw na gastusin. Bukod pa rito, makakakain ka at iyong pamilya ng sariwang tanim na sigurado mo ang linis at sustansya dahil ikaw mismo ang nagtanim at nag-ani.
Kung nagbabalak kang magsimula ng sarili mong edible garden, sundan ang aming gardening tips gaya ng pag-invest sa garden nets, upang mabigyan ng tamang alaga ang iyong mga pananim.
1. Pumili ng tamang lugar.
Bago ka magsimula magtanim ng mga buto, kailangan mong alamin kung may kapasidad ka bang magtanim sa iyong espasyo. Hindi kailangan ng malaking lote upang matawag ang iyong tanim na edible garden. Basta’t may sapat na espasyo upang bumuhay ng mga halamang pangkain na madaling alagaan, gaya ng talong, kamatis, at okra
Mas madaling iplano ang iyong edible garden kung sa simula pa lang, alam mo na kung saan ka pwedeng magtanim. Bukod pa rito, kailangan mong siguraduhin na matatamaan ng araw ang espasyong binabalak mong maging edible garden.
2. Pumili kung ano ang iyong itatanim.
Sa dinami-rami ng mga pagpipilian, madaling ma-overwhelm sa pagpili ng kung ano ang iyong itatanim sa edible garden. Dahil dito, kailangan mo pumil ng wasto. Mas masusulit mo ang iyong garden kung magagamit ng pamilya ang iyong mga tanim.
Itanong sa sarili kung ano ba ang mga halaman na magagamit mo sa pang araw-araw. Kung limitado ang iyong espasyo, maging praktikal sa pagpili para mai-maximize mo ang iyong edible garden. Madalas ba kayong gumamit ng kamatis at sili? O kaya naman ay herbs para magamit mo ang mga ito nang sariwa? Ibase ang pagpili sa regular niyong paggamit.
3. Alamin kung kailan ang pinakamagandang panahon magtanim.
Ika nga ni Kuya Kim, “ang buhay ay weather-weather lang.” Ganito rin sa pagtatanim ng mga halaman. Pagkatapos mong makapili ng mga halamang itatanim sa iyong edible garden, oras na upang alamin naman kung kailan ang mainam na panahon upang itanim ang mga ito.
May mga halaman na mas maiging itanim tuwing tag-init, at mayroon ding mas magandang itanim tuwing tag-ulan. Mapapadali ang pagplano ng iyong mga tanim buong taon kung alam mo ang pinaka-best time para sa bawat gulay o prutas.
4. Bumili ng tamang lupa para sa iyong mga halaman.
Hindi pare-parehas ang mga lupa. Makakatulong sa iyong edible garden ang paggamit ng kalidad na lupa upang lumaki ang iyong tanim ng maganda. Bukod pa rito, maganda ring bumili ng mga fertilizer upang maganda ang pag-usbong ng iyong mga halaman.
Ang good news ay hindi mo kailangan gumastos nang malaki upang makahanap ng kalidad na lupa at fertilizer. Kailangan mo lang tiyakin kung lehitimo ang iyong tinitingnan na produkto. Best option ay gumamit ng organic fertilizer.
5. Mamuhunan sa kalidad na garden nets.
Makakatulong ang paggamit ng magandang garden shade nets upang maalagaan nang tama ang iyong mga halaman. Gamit ang garden nets, mabibigyan mo ng proteksyon ang iyong mga tanim mula sa araw, hangin, at pagbabago-bago ng panahon.
Bukod pa rito, pwedeng gumamit ng mosquito nets na makakahinto sa pamemeste ng maliliit na insekto, maging ang posibleng atake ng iyong mga alagang aso o pusa. Makakahinga ka nang maluwag dahil may kang katulong sa pag-alaga ng iyong edible garden.
Kung balak mong bumili ng kalidad na garden nets, hindi ka magsisisi sa Philippine Ranging Nets. Ang aming misyon ay magbigay ng matitibay at abot-kayang garden nets.
Mayroong tatlong klase ng garden nets ang Philippine Ranging Nets base sa intensity ng sun protection na kailangan ng iyong mga tanim. Kung proteksyon mula sa mga peste ang hanap, kalidad na mosquito nets ang para sa iyo.
Gamit ang aming garden nets, magiging mas madali ang iyong pagsisimula ng edible garden sa likod-bahay. Tingnan ang aming catalog ng garden nets upang makapili ng iyong pinakamahusay na kaagapay sa pagtatanim.