Hindi biro ang pagsasagawa ng commercial construction projects sa Pilipinas, pagbuo man ito ng bagong building o pag-renovate. Kahit na progresibong maituturing ang industriya, ito ay isang kumplikadong gawain na nangangailangan ng lubos na dedikasyon at panahon. Kaya naman kung ikaw ay namamahala ng isang construction firm, marahil na makatulong sa iyo ang construction management tips na ito.
Construction Management Tips: Mga Dapat Pakatandaan
Sundin ang mga sumusunod na construction management tips upang siguraduhin ang ligtas, maayos, at tamang pagsasagawa ng iyong proyekto.
Magplano nang maaga
Maglaan ng sapat na oras para pagplanuhan at pag-isipan ang iyong commercial construction project. Hindi dapat kapusin sa oras ang planning stage dahil ito ay isa sa pinakamahalagang step ng iyong proseso.
Maglaan ng sapat na badyet
Importanteng mag-iwan ng extra budget para sa expenses na hindi expected. Maaaring kailangan ang pasobrang materyales o karagdagang construction workers upang mapabilis ang trabaho.
Pumili ng mapagkakatiwalaang mga tao para sa iyong proyekto
Bilang tagapamahala ng proyekto, siguraduhing maayos ang daloy ng trabaho. Mag-hire ng mga tauhang may sapat na karanasan sa commercial constructions, o ‘di kaya ay kumuha ng mga taong madaling turuan at willing na matuto. Maging maingat sa pagkuha ng workers at experts na iyong kukunsultahin lalo na kung malaki o time-sensitive ang proyekto.
Kumpletuhin ang mga dokumentong kailangan para sa construction
Malamang na maraming permit at iba pang paperwork ang kakailanganin upang maisakatuparan ang proyektong hawak mo. Lalo na kung malaki ang lupang saklaw o mataas ang projected expenses, kaakibat ng pagproseso ng maraming dokumento ay ang pagbabayad ng akmang fees para sa mga kakailanganin mo.
Mag-invest sa construction netting
Required na gumamit ng construction safety nets para sa commercial buildings sa Pilipinas. Ito ay upang bigyang-proteksyon ang iyong construction workers at mga taong mapapadaan sa tabi ng iyong construction site. Iwasan ang mga aksidente gamit ang matibay at de-kalidad na construction netting.
I-maintain ang maayos na communication
Upang mapabilis ang takbo ng trabaho at masiguradong tama ang pagkakaintindi ng lahat patungkol sa kanya-kanyang tasking, makipag-usap nang ayos at klaro. Kung nasa meetings, siguraduhing masagot ang lahat ng mga tanong. Nakasalalay sa maayos na communication ang teamwork, kaya naman dapat ay maging team player ang lahat.
Iwasan ang last-minute changes
Hindi man laging makakaiwas sa mga pagbabago sa proseso, pwedeng maging malaking abala ang pagsasagawa ng mga last-minute changes. Maaapektuhan nito ang iyong construction plan at daloy ng trabaho. Hangga’t kaya, sundin ang mga nauna nang plano, maliban na lang kung mahalaga ang kailangang baguhin.
Sundin ang Construction Management Tips ng PRN
Hindi maiiwasan ang mga problema’t aberya pagdating sa commercial construction. Pero pwedeng gawing maayos at mabilis ang trabaho gamit ang construction management tips na mga ito.
Para sa siguradong ligtas na construction site, pumili ng construction safety nets na de-kalidad. Bisitahin ang Philippine Ranging Nets para sa abot-kayang construction nets na pangmatagalan ang gamit.