You are currently viewing Edible Urban Gardening Techniques Na Dapat Subukan Sa Bahay

Edible Urban Gardening Techniques Na Dapat Subukan Sa Bahay

Sa maniwala ka man o hindi, napakaraming gulay at prutas ang pwede mong itanim sa mismong bakuran mo. Kahit ang mga ‘di mo akalaing kayang mabuhay sa likod-bahay, may mga paraan na upang maalagaan. 

Dahil sikat na sikat ngayon ang urban gardening, lalo na ang edible landscaping, magandang matutunan kung paano maaaring magtanim ng iba’t ibang gulay na panigurado ay pasok sa panlasa mo. 

Kangkong

Upang maging bihasa sa edible urban gardening, tutukan natin ang tinatawag na upland kangkong, na siyang may maninipis na dahon.

Sikat na leafy vegetable ang kangkong, o tinatawag ding water spinach. Ang mga dahon nito ay magandang source ng protina, vitamin A, iron, at calcium. 

Para sa article na ito, tutukan natin ang tinatawag na upland kangkong, na siyang may maninipis na dahon. Kaya nitong mabuhay sa mamasa-masang lupa at kailangan lamang anihin nang isang beses.

Mainam na magtanim ng kangkong sa mabababang lugar. Pwedeng gumamit ng sandy at clay loam soil na mayroong mataas na lebel ng organic matter at may pH na 5.5 hanggang 6.5. Ideyal ang temperatura mula 25 hanggang 30°C. Hindi mabubuhay ang kangkong sa 10°C o mas mababa pa.

Kung mayroong sapat na lugar para magtanim ng upland kangkong, dapat na mag-prepara ng maayos na seedbed na 1 meter ang lawak. Gumamit ng well-decomposed animal manure sa bilang na 1 hanggang 2 kg/m2 sa bawat seedbed. 

Kung maliit lang ang lugar, maaaring magtanim ng kangkong sa mga container o paso. Maghalo ng garden soil, compost, at rice hull kung mayroon. Pwedeng itanim ang kangkong gamit ang direct seeding, transplanting, o stem cuttings. 

Lettuce

Madali lamang bumuhay ng lettuce o letsugas sa likod-bahay kung nais na subukan ito para sa edible urban gardening.

Madali lamang bumuhay ng lettuce o letsugas sa likod-bahay. Nabubuhay ito sa loamy soil na madalas diligan. Kailangan ng mataas na organic matter content at ang temperatura dapat ng paligid ay nasa 18°C hanggang 22 °C.

Sa sowing stage ng pagtatanim, pwedeng gumamit ng seedling trays. Kung malawak ang iyong home garden, maaaring maghalo ng 1 kg ng compost sa bawat square meter ng lupa.

Ang mga buto ay dapat itanim nang ¼ inch ang lalim at paninipisin kapag nagkaroon na ng 3 hanggang 4 na dahon ang mga halaman. Ibabad ang mga buto sa tubig ng 4 na oras bago ang sowing upang padaliin ang germination.

Ang lettuce seedlings ay maaari nang ilipat o i-transplant pagkatapos ng 10 hanggang 14 na araw. Maaaring idiretso ang mga ito sa mga paso o recycled na timba. Diligan ang lettuce nang isang beses kada araw, tuwing umaga.

Maglagay ng nitrogenous fertilizers isang beses kada araw, at compost bago itanim at tatlong linggo pagkatapos ng transplanting. 

Beans

Para sa iyong edible urban gardening, pwedeng-pwede ka ring magtanim ng Baguio beans o snap beans sa bahay. Ito ay isa sa mga pinakakilalang vegetable legume sa Pilipinas.

Pwedeng-pwede ka ring magtanim ng Baguio beans o snap beans sa bahay. Ito ay isa sa mga pinakakilalang vegetable legume sa Pilipinas. Sagana ito sa vitamins A, C, at K, pati na sa folic acid at fiber

Kadalasan itong nabubuhay sa clay loam soil na mayroong mataas na organic matter at may pH level na 5.5 hanggang 7.5. 

Sa pagtanim, dapat maghanda ng potting medium gamit ang paghahalo ng garden soil, rice hull, at compost na may 1:1:1 ratio. Punuin ang mga paso at magtanim ng 2 hanggang 3 na buto kada paso, at takpan ang mga ito ng karagdagang lupa. Maaaring gumamit ng recycled na 1.5L soft drink plastic bottle

Habang lumalaki ang halaman, maglagay ng well-decomposed chicken manure o compost. Ang snap beans ay nangangailangan ng regular na suplay ng moisture habang lumalaki ito. Laging diligan ang halaman upang paigtingin ang pamumukadkad at pod setting

Maaari itong anihin pagtapos ng 60 hanggang 70 na araw mula sa unang pagtatanim. Anihin ang snap beans gamit ang kamay kada 3 hanggang 5 na araw.

Huwag kalimutan ang paggamit ng garden nets

Pagdating sa edible urban gardening, importante ang paghahanda ng mga sapat na gardening tools. Isa na sa mga dapat ‘wag kaligtaan ang pagbili ng garden nets para sa proteksyon ng iyong mga halaman.

Makatutulong ang garden nets upang bugawin ang mga peste at ligaw na hayop na maaaring sumira o kumain ng iyong tanim. Nakakatulong din ito sa kagandahan ng kalidad at pagtubo ng halaman, at magsisilbing panangga mula sa tirik na araw na maaaring maging masama para sa iyong mga alaga.

Sa Philippine Ranging Nets, makakahanap ka ng de-kalidad na garden nets na paniguradong pangmatagalan ang gamit. Matibay at abot-kaya—kaya naman order na!