Pagdating sa sabong, lahat ay nakadepende sa kung gaano kalakas at kaliksi ang iyong manok. Kung nais mong mag-alaga ng manok na panabong na paniguradong panalo, hindi sasapat ang training lang. Kailangan mo ring pag-aralan ang wastong gamefowl nutrition and vitamins.
Bilang isang breeder, kasama sa basics ng tamang pag-aalaga ng mga manok na panabong ang pagbibigay ng vitamins at nutrients. Sa article na ito, magbabahagi kami tips na makakatulong sa iyong gawing healthy at malakas ang iyong mga alaga.
Alamin ang Wastong Gamefowl Nutrition and Vitamins
Dahil espesyal ang mga manok na panabong, importante na makuha nila ang tamang gamefowl nutrition and vitamins. Ano nga ba ang mga kailangang makain ng iyong mga alaga?
1. Protein
Kailangan ng gamefowls ma-develop ang kanilang muscles para malakas sila sa kanilang mga laban. Ang protein ay esensyal para mapalaki ang kanilang muscle mass at maging siksik para sa sabongan.
Matatagpuan ang protein sa mga karne at ibang pagkain, ngunit makakatulong ang protein supplements para masigurado na makuha ng mga gamefowls ang kailangan nilang protein para lumaki ng malakas.
2. B Complex
Kung nais mong lumaki ng malakas ang iyong gamefowl, kailangan mong palakasin ang gana nitong kumain. Makakatulong ang B Complex upang mapabilis ang blood circulation.
Bukod pa rito, maganda ang B Complex para sa immune system ng mga manok. Mapatitibay mo ang iyong mga manok laban sa sakit at tataas ang kanilang energy levels. Mataas ang B Complex na makukuha mula sa seeds and leafy green vegetables kagaya ng spinach at kale.
3. Iron
Ang iron ay mineral na kailangan ng mga manok upang lumaki ng wasto at malakas. Dinadala ng iron ang oxygen sa iba’t ibang parte ng katawan. Kung walang sapat ng iron ang katawan ng iyong manok, madali itong mapapagod.
Sa tulong ng iron, maaaring gumaling ang mental at physical performance ng iyong gamefowl. Demanding ang sabungan sa lakas at resistensya. Mataas sa iron ang beans at dried fruit, at maaaring mo itong mapakain sa iyong mga manok.
4. Antioxidants
Isa pa sa mga pinakaimportanteng gamefowl nutrition and vitamins ay ang antioxidants. Epektibo ang antioxidants sa paglaban sa free radicals at pagbaba ng stress.
Maganda rin ang antioxidants para sa mga manok dahil nakakatulong ito sa brain at mental health ng mga manok. Maganda rin ito para sa mata, at kailangang listo ang paningin ng iyong manok. Maraming antioxidants sa pagkain tulad ng kalabasa at kamote.
Bukod sa mga gamefowl nutrition and vitamins na ito, kailangan ng iyong mga manok na tamang ehersisyo para maging handa sa bakbakan. Sa kabilang banda, importante na maging safe ang iyon mga alaga.
Sa tulong ng chicken fencing, mabibigyan mo ang iyong manok ng kalayaan na umikot-ikot sa iyong bakuran. Kampante ka na ligtas ang mga ito sa mga peste at hindi sila makakalabas sa iyong sakahan o bakuran.
Kung nais mo ay abot-kayang chicken net na sigurado ang tibay, pumili ng net mula sa Philippine Ranging Nets. Pangmatagalan ang aming mga produkto at mapagkakatiwalaan mo ang kalidad. Ang Philippine Ranging Nets ang iyong partner sa wastong pag-alaga ng iyong mga gamefowl. I-check ang aming mga chicken nets at pumili ng swak sa iyong alaga at badyet.