Matagal nang popular ang pag-aalaga ng poultry sa likodbahay. Nitong mga nagdaang taon, lalo pang sumikat ang raising backyard chicken at iba pang mga ibon dahil sa pandemya. Praktikal ding gawin ito dahil may instant supply ka na ng karne at itlog. Para naman sa iba, swak ito bilang kabuhayan.
Kung interesado ka sa raising backyard chickens, dapat lang na matuto ka ng tamang chicken care. Basahin ang buong article para sa aming tips para sa pag-aalaga ng mga manok!
Mga Dapat Gawin When Raising Backyard Chickens
Ang mga sumusunod ay best tips para sa maayos at epektibong chicken care.
Alamin ang Risks of Raising Backyard Chickens
Praktikal ang pag-aalaga ng manok sa likodbahay. Maaari rin itong magdulot ng kasiyahan at dagdag-kaalaman. Gayunpaman, ang free range chicken ay pwedeng magdulot ng health risks sa iyo at iyong pamilya. Maaari silang magdala ng delikadong mikrobyo na pwedeng maging sanhi ng sakit ng mga tao. Kasama na sa mga sakit na posibleng makuha ay skin infections at mga seryosong karamdaman.
Prone din ang mga manok sa iba’t ibang sakit gaya ng bird flu outbreak. Kung hindi magagamot agad, pwedeng magresulta sa pagkamatay.
Ang pag-alam ng mga risks sa pag-aalaga ay makakatulong sa iyo upang maging mas handa. Kung alam mo ang mga posibleng dahilan ng pagkakasakit nila, malamang na mas makakaiwas ka sa mga ito.
Pagpili ng tamang feeds
Isang paraan upang mapanatiling malusog at ligtas ang mga manok ay ang pagpili ng tamang feeds. Magbibigay ito ng tamang sustansya at bitamina sa iyong mga manok. Sa ganitong paraan, makakasiguro ka pa rin na sila ay may sapat na nutrisyon. Lalo para sa free range chickens, kailangan ang malakas na pangangatawan. Kahit na malaya silang maghanap ng pagkain sa organikong paraan, dapat ay supplemented ito ng garantisadong healthy chicken feeds.
Maglagay ng free range nets
Kung ang iyong negosyo ay raising backyard chicken, magandang desisyon ang payagan silang mabuhay bilang free range chicken. Ito ay isang pamamaraan sa pag-aalaga ng manok kung saan sila ay hinahayaang makagalaw sa isang open-air na lugar gaya ng farm o sa malawak na likodbahay.
Napatunayan na mas maraming pangmatagalang benepisyo ang free ranging. Mas maliksi, masaya, at malakas ang mga manok na may laya sa kanilang pamumuhay. May akses sila sa damo’t preskong kapaligiran, at pwede silang humuli ng sariling pagkain. Maiiwasan din ang pagkakaroon ng mga sakit at parasito na maaari nilang makuha mula sa siksikang kulungan.
Kahit na ganito, dapat ay may kontrol ka sa kung paano sila pipirme. Gamit ang free range nets, mabibigyan mo sila ng sapat na espasyo para gumalaw habang pinapanatiling ligtas ang lugar.
Magsisilbi ang free range nets bilang mga bakod na magse-secure sa iyong mga manok. Mapuproteksyunan sila ng nets mula sa mga ligaw na hayop na maaaring carrier ng mga sakit. Maiiwasan mo rin ang posibleng pagtakas nila.
Pumili ng Matibay na Free Range Net When Raising Backyard Chickens
Bago mai-set up ang iyong mga poste para sa chicken net, tukuyin muna ang lugar ng iyong free range space. Maaari kang gumamit ng kahoy o metal na mga poste para sa iyong frame. Basta siguraduhing matibay ang mga ito at kayang ibinaon sa lupa.
Importante ang pagkakaroon ng de-kalidad na chicken net when raising backyard chickens.Kung nais na mag-alaga ng free range chicken, suriin ang iba’t-ibang free range nets mula sa Philippine Ranging Nets. Matibay at pangmatagalan ang free range nets na mabibili mula sa aming store. Bigyan ng sapat na proteksyon ang iyong alaga sa abot-presyong halaga. Tingnan ang mga uri ng chicken nets na maaari mong gamitin.