Mula pa noong 1521, sa panahon ni Magellan, malakas na ang tradisyon ng sabong sa Pilipinas. Sa sobrang sikat ng kultura nito sa bansa, pwede na rin ngayong manood at tumaya kahit saan ka pa gawa ng online sabong.
Para sa mga nag-aalaga ng mga panlaban, hindi tipikal na klase ng manok ang mga panabong dahil mayroong akmang proseso at training para sa mga ito. Sa mga totoong aficionados ng rueda, ang sabong preparation ay ‘di basta-basta at kailangang tutukan para maging malakas ang iyong panlaban na manok, pula man ito o puti.
Sabong Preparation 101
Bago ang laban, kailangan ang tamang alaga, pagkain, at ensayo. Pero hindi lang ang mga ito ang dapat ibigay sa alagang gamefowl. Ang sumusunod ay ilan pang sabong preparation tips na makakatulong sa pagkapanalo ng iyong alaga.
Palinawin ang paningin ng tandang, at iba pa
Bawat panabong ay dapat dumaan sa dubbing, o ang pagtanggal ng palong at tapay gamit ang matalim na gunting. Ginagawa ang dubbing pagkaraan nitong ma-deworm o ma-delouse limang araw bago ang laban. Siguraduhing ma-disinfect ang sugat ng mga ito pagkatapos upang hindi magkasakit.
Ang dubbing ay isa sa mga importanteng parte ng sabong preparation para makakita ng mas maigi ang panabong sa laban. Ang tapay ay tinatanggal din para hindi ito makapitan ng kalaban na ikakalugi ng iyong panabong. Kapag mas malinaw ang paningin ng iyong panabong, mas malaki rin ang posibilidad nitong manalo sa sabong.
Pagkatapos ma-deworm ng iyong panlaban, pwede na itong mag-bacterial flushing makaraan ang tatlong araw.
Pakainin ito nang tama
Dahil sabak sa ensayo ang iyong mga panabong, mainam na turukan sila ng vitamin B complex. Magbibigay ito ng dagdag na lakas at makakatulong sa pagpawi ng pagod ng iyong mga alaga.
Itanong man sa kahit sinong breeder o online sabong expert, ang bitaminang ito ay mahalaga sa kalusugan at kaligtasan ng iyong mga panabong. Siguraduhing mataas ang kalidad ang ituturok sa iyong alaga, at bumili lamang sa mga pinagkakatiwalaang pharmacy.
Isa pang mahalagang sabong tip kapag malapit na ang laban, pakainin ang iyong panabong ng mais para mas tumibay, mixed grains para sa fiber, at pellets para sa protina. Kapag busog ang iyong panabong bago ang laban, mas malakas at handa itong manalo sa sabong.
Pagsanayin ito sa akmang lugar
Kailangan ng iyong mga panabong ng tamang exercise area na nakabukod sa iba pang manok. Gumamit ng mga de-kalidad na free-range nets ng nabibili sa Philippine Ranging Nets para sa pambakod sa iyong ruedang pang-ensayo.
Pakiramdaman nang mabuti ang iyong panabong. Kung madalas itong umupo, maaaring maliit ang tiyansa nitong manalo sa sabong dahil sa pagiging overweight. Simulan ang pagkondisyon ng manok sa magaan munang ehersisyo, hanggang sa masanay ito gumalas sa loob ng rueda.
Ilan pa sa mga sabong preparation pagdating sa ehersisyo ay ang pagtakbo sa ilang obstacles, at ang tamang paggamit ng tuka at footwork na maaaring gawin gamit ang pinaglumaang hamster wheel.
Palakasin ang isip at katawan nito
Sa aktwal man o maging sa online sabong, mapapansin agad ng mga sabungero kung malakas o mahina ang pag-iisip ng manok. Kita rin dito ang tapang na nailalabas gamit ang tamang mental conditioning.
Tulad ng mga boksingero, kailangan ng iyong mga panabong na makabisado ang rueda kung saan sila makikipag-sabong, kaya’t sanayin ito sa lugar na may kaparehong flooring sa aktwal gagamitin sa rueda. Kasama sa sabong preparation ang pagsasanay ng mga ito sa ingay at tugtog upang hindi sila mabigla pagdating ng laban.
Bigyan ng sapat na atensyon ang katawan ng alaga
Kapag nalalapit na ang laban, hayaan silang magpahinga ng sapat at ipwesto sila sa madilim na lugar tuwing gabi upang makatulog nang maayos. Paghiwa-hiwalayin ang iyong mga alagang panabong sa pagtulog, at panatilihing nasa tamang temperatura ang kanilang tulugan. Gumamit ng mga free-range nets upang masiguradong may tamang daloy ng hangin sa loob ng kanilang sariling coop.
Maglagay ng mga mat na balot ng free-range nets sa ilalim ng tangkal bilang proteksyon sa mga insekto. Obserbahan ang dumi nito tatlong araw bago ang sabong at tiyakin na hindi ito matubig. Kung mamasa-masa ang dumi, baka hindi pa dapat ilaban ang iyong alaga.
Para sa mga de-kalidad na free-range nets, bisitahin lamang ang Philippine Ranging Nets.