Nakakatuwang masubaybayan ang paglaki ang iyong mga halaman. Bukod sa mga praktikal nitong benepisyong gaya ng pagbibigay nito ng sariwang hangin, ‘di mapagkakailang mainam ang potted plants sa pag-liven up ng isang espaso. Ito mismo ay nakakatulong sa mental health ng nag-aalaga, kaya naman noong nagkaroon ng pandemya, dumami ang mga taong sumubok at nakahiligan ang indoor gardening.
May kaibahan ang pag-aalaga ng halaman sa loob ng bahay kung ikukumpara sa pagtatanim sa isang outdoor garden. Magandang gawin ang indoor gardening lalo na kung ikaw ay nakatira sa isang apartment unit at walang akses sa outdoor areas kung saan maaaring magtanim. Kung nais mong maging certified plantito o plantita, ito ang ilan sa indoor gardening tips na kailangan mong tandaan.
1. Alamin kung pang-indoors ang halamang nais mong alagaan.
Hindi lahat ng halaman ay pwedeng alagaan sa loob ng bahay. Mas marami pa rin ang mga tipo ng halaman, lalo na ang mga nagbubunga ng prutas o lumalaki bilang matitibay na puno, na mas mainam na buhayin sa outdoor areas kung saan may regular silang akses sa hangin, ulan, araw, mga insektong tumutulong sa kanilang paglaki, at sapat na espasyo para lumago.
May mga halamang itinuturing na perfect para sa indoor gardening. Tumingin ng succulents, ferns, bamboo plants, at iba pang potted plants na maaaring mabuhay nang matagalan sa loob ng bahay. Mura at madalas na hindi high maintenance ang mga ganitong halaman.
2. Pumili ng tamang lalagyan.
Bilang isang plantito o plantita, tamang pagsikapan mong palaguin ang iyong halaman sa kung anumang extent ng paglaki nito. Para mabiyan ito ng tamang suporta, pumili ka ng tamang lalagyan.
Gumamit ka ng paso o palayok na proporsyon sa kasalukuyang laki ng iyong halaman. Madali lang naman bumili ng malaking lalagyan sakaling lumaki ang iyong halaman. Maraming magagandang disenyo na maaaring mahanap online o sa shops pang-halaman. Kailangan mo lang pakatandaan na huwag bibili ng pasong masyadong maliit para sa iyong halaman, dahil malamang na mahihirapan ang halamang tumubo nang naaayon sa normal na paglaki nito.
3. Alamin mo ang mga specific na pangangailangan ng iyong halaman.
Ang bawat halaman ay may kanyang sariling pangangailangan. May mga halaman na low maintenance. Ang ibig sabihin nito ay hindi mo kailangan masyadong diligan at bigyan ng maraming oras sa ilalim ng araw para umusbong.
Sabay nito, may mga halaman na kailangan pagtuunan ng pansin upang lumaki nang maayos.
Importante na alam mo ang tiyak na kailangan ng iyong indoor halaman. Kung marami kang halaman sa bahay, magandang ideya ang pagkumpulin ang mga low maintenance na halaman sa isang area at ang mga high maintenance sa hiwalay na lugar. Para hindi mo makalimutang alagaan ang mga ito, mag-iwan ka ng listahan o ‘di kaya sticky notes para sa sarili o iba pang mga kasama sa bahay.
4. Gumamit ng fertilizer upang mabigyan ng sustansya ang mga halaman.
Bukod sa tubig, lupa at araw, kailangan ng halaman mo ng tamang sustansya. Bawat buwan, magandang ideya ang maglagay ng fertilizer sa iyong indoor halaman. Ugaliing gumamit ng organic fertilizer kaysa kemikal upang protektahan ang mga alaga.
Habang makakatulong manatiling malusog ang fertilizer sa iyong halaman, mahalaga ring hindi mo lagyan ng masyadong maraming fertilizer. Ang expert na suhestyon ay i-dilute muna ang fertilizer sa tubig. Maglagay ng ¼ hanggang ½ na kutsaritang fertilizer sa bawat isang galon ng tubig. Isa pang tip ay diligan muna ang halaman bago mag-fertilize, upang maiwasan ang pagka-damage ng mga ugat. Makakatulong din ang basang lupa nito upang ma-absorb nang ayos ang fertilizer.
5. Mamuhunan ka sa garden nets.
Upang mas maganda ang paglaki ng iyong mga halaman, magandang ideya na bumili ng garden nets. Taliwas sa iniisip ng ilang tao, ang garden nets ay makakatulong din sa mga halamang pang-indoor. Sa paggamit ng garden nets, mabibigyan mo ang mga ito ng proteksyon sa excessive na sikat ng araw. Kung hindi naman gaanong problema ang sunlight, pero pugad ng peste at insekto ang iyong area, subukang gumamit ng mosquito nets para sa iyong indoor garden. Pwede rin ang mga itong magamit upang bigyang proteksyon ang halaman mula sa iyong mga alagang pusa o aso.
Kung nais mong mamuhunan sa de-kalidad na garden nets, hindi ka magsisisi sa Philippine Ranging Nets. Ang aming misyon ay magbigay ng garantisadong matitibay at abot-kayang garden nets at iba pang uri.
Pumili mula sa aming catalog ng garden nets at kumontak lamang para sa iyong unang order.