Kung nais mong magsimula ng construction project na walang aberya o aksidente, mainam na magmuhunan sa paggamit ng construction safety nets. Ito ay simple pero garantisadong paraan upang bigyang proteksyon ang mga taong nagtatrabaho sa construction site at maging ang mga nakapalibot sa area.
Ang artikulong ito ay naglalayong magbigay ng makabuluhang impormasyon sa construction firms at iba pang mga sektor na nagbabalak na magsimula ng construction project. Ito ay magsisilbing gabay sa pagpili at pagbili ng construction netting na naaayon sa pangangailangan ng inyong proyekto.
Bakit Kailangan ang Construction Safety Net?
Ginagamit ang safety nets sa construction upang protektahan ang mga manggagawa sa matataas na lugar mula sa pagkahulog, at ang mga dumadaang pedestrian mula sa mga bumabagsak na dumi. Paraan din ang construction netting upang mapanatiling malinis ang site.
Ang paggamit ng construction safety net ay epektibong pangsalo ng mga dumi at iba pang bagay na maaaring mahulog mula sa construction site. Ang debris mula sa construction projects ay maaaring magdulot ng pinsala sa mga manggagawa at mga tao’t sasakyang dumadaan sa paligid ng building.
Kung maging dahilan ng aksidente, ito rin ay maaaring humantong sa pagkaantala ng konstruksyon at karagdagang gastos sa inyong kumpanya.
Paano Pipili ng Construction Safety Net?
Ano ang mga dapat pakatandaan kung pipili ng construction safety net na gagamitin sa iyong construction site? Ang mga sumusunod ay ilan sa mga importanteng factors na hindi dapat kaligtaan.
1. Alamin ang uri ng construction netting na akma sa iyong proyekto.
My iba’t ibang uri ng construction safety net na maaari mong pagpilian. Nag-iiba ang mga uri ng safety nets sa sukat ng butas at kung gaano kapino ang pagsala nito ng dumi. Ang price points ng mga ito ay alinsunod din sa mga ito.
- CC Net: Kung nagtitipid at hindi naman mabuhangin ang iyong proyekto, o ‘di kaya’y hindi naman malaki ang pangangailangan sa pinong pagsala ng dumi, ang CC Net ay magandang option para sa iyo. Kilala bilang multi-purpose na net, angkop ang CC Net para sa ibang gawain gawa ng pangingisda. Dahil may kalakihan ang mga butas nito, ito ang pinakamurang construction safety net.
- BB Net: Ang BB Net naman ay may katamtamang laki ng butas. Dahil dito, nasa mid-tier din ang price point nito. Kung nais ng mas pinong pansala ng dumi na abot-kaya pa rin para sa mga nagtitipid, tamang piliin ang BB Net.
- DryNet: Ang pinakamahal na option ay ang DryNet, dahil ito rin ang may pinakamaliit na butas na paniguradong mainam sa pagsala ng debris. Kung prone sa pagkahulog ng maliliit na bato at buhangin ang iyong proyekto, dapat na mamuhunan sa DryNet. Mas mahal man kumpara sa ibang klase ng construction safety nets, mas pinipili ito ng mga kilalang construction companies.
2. Siguraduhin ang lokasyon na paggagamitan ng construction safety nets.
Maaaring gumamit ng construction safety nets sa indoor man o outdoor construction sa Pilipinas. Kung gagamitin sa labas, siguraduhing ang construction safety net ay matibay at maaaring kayanin ang init man o bugso ng ulan.
Ang pagpili ng de-kalidad na safety net ay importante upang ito ay maging mabisa sa pagsalo ng mga dumi. Kung matarik ang building na inaayos, marapat ding maglagay ng safety net kung saan exposed ang mga manggagawang maaaring maaksidente.
Kinakailangang mailagay ng mabuti ang construction safety net upang manatili itong matibay habang ginagamit sa construction site. Siguraduhing eksperto ang mga magkakabit nito upang makampante sa installation ng safety nets sa iyong construction site.
3. Pumili ng mapagkakatiwalaang brand ng construction netting.
Siguraduhing kilala ang brand na iyong pipiliin sa pag-suplay ng matitibay at de-kalidad na produkto.
Lalo na’t usapan ng life or death ang pagpili ng construction safety nets, seryosohin ang pagsiyasat ng mga brand na pagkukuhanan ng iyong suplay.
Subukan ang Construction Safety Nets ng PRN
Ang mga ito ay ilan lang sa dapat pakatandaan sa pagpili ng iyong construction safety net na gagamitin para sa susunod mong proyektong pang-konstruksyon.
Ang Philippine Ranging Nets ay pinagkakatiwalaang pangalan pagdating sa iba’t ibang uri ng nets, ‘di lamang para sa construction sa Pilipinas kundi maging sa pag-aalaga ng manok at mga halamang pang-garden. Bisitahin ang aming website upang makapili mula sa aming katalogo ng construction netting.