May mga uri ng manok na perpekto para sa sabungan at mayroon ding mga ideyal para sa poultry farmers. Alamin ano ang mga ito sa artikulo.
Hindi pare-pareho ang lahat ng mga manok. May mga uri ng manok na perpekto para sa sabungan at mayroon ding mga ideyal para sa poultry farmers. Iba’t iba rin ang wastong paraan ng how to take care of chickens depende sa uri ng manok.
Maging mapanuri
Kung nais mong magsimula mag-backyard farming, kailangan mong bumili ng uri ng manok na madali alagaan. Ano nga ba ang mga pinakapraktikal na uri na iyong dapat bilhin?
Rhode Island Red
Kung naghahanap ka ng uri ng manok na hindi mahirap palakihin at alagaan, magandang choice and Rhode Island Red. Malakas ang resistensya ng manok na ito at kaya nilang mabuhay kahit sa malamig na lugar. Mahusay sila maghanap ng sariling pagkain kaya hindi mo kailangan gumastos ng malaki para sa chicken feed.
Plymouth Rock
Maganda ding option para sa backyard farming ang Plymouth Rock. Madalas na mabait ang manok na ito at kilala sila sa pangingitlog ng marami. Madali lamang makahanap ng uri na ito kaya sila’y napakakilala sa mga chicken farmers na baguhan.
Brahma
Kung naghahanap ka ng malaking uri ma medyo bihira, magandang ideya ang bumili ng Brahma. Isa ito sa pinakamalaking uri ng manok ngayon. Madali silang alagaan at kilala sila sa pangingitlog ng marami.
Kelso
Kung ikaw ay tipong tao na mahilig sa mga online sabong tips, magandang choice ang bumili ng Kelso na manok. Ito ang pinaka-classic sa mga manok na pangsabong. Malakas at maliksi ang mga ito kaya’t kilala sila sa mga sabungero. Matalino rin silang manok kaya madalas silang manalo sa sabungan.
Sussex
Kung nais mong makahanap ng uri ng manok na maaaring maging alaga ng iyong mga anak, isa sa mga magagandang option ngayon ang Sussex na manok. Mura lamang ang uri ng manok na ito at mabait sila. Kilala rin sila sa pangingitlog ng marami kaya sila popular para sa mga pamilya.
Silkie
Isa sa mga pinakamagandang klase ng manok para alagaan sa iyong bakuran ang Silkie. Popular ang mga ito sa mga pamilya dahil sila ay napakabait. Mayroon silang cute na balahibo kaya siguradong matutuwa ang iyong mga anak rito. Madali lamang alagaan ang Silkie kaya pekpekto ito para sa mga baguhan sa pag-aalaga ng manok.
Hatch
Isa pa sa mga kilala para sa mga sabungero ang uri na Hatch. Ang Hatch ay maliksi at malakas, magandang pambato para sa sabungan. Mahaba rin ang endurance nito kaya ideyal para sa bakbakan. Kung nais mong mag-alaga ng winner na manok, magandang option ang Hatch para sa iyo.
Tamang alagang manok at net
Kung ano mang uri ng manok ang iyong bibilhin, importante na bigyan mo ang iyong mga alaga ng ligtas na lugar para lumaki ng wasto. Magandang maglaan ng pera para sa chicken fencing para sa iyong mga alagang manok.
Kung naghahanap ka ng chicken net, suriin ang mga chicken nets ng Philippine Ranging Nets. Mura ngunit kalidad, kilala ang aming kompanya sa pagbenta ng mga magagandang chicken nets sa bansa.