Sa panahon ngayon, mahirap na ang magkasakit. Dahil sa pandemya, tumaas ang gastusin sa mga ospital. Bukod pa rito, nakakatakot ang mga posibleng epekto ng pagkakaroon ng sakit. Ang sabi nga nila, prevention is better than cure.
Sa patio man o sa tulugan, magandang ideya ang pamumuhunan sa treated mosquito nets. Ang treated mosquito net ay ginagamit upang bigyan ng proteksyon ang mga tao at hayop mula mula sa mga lamok, langaw, at iba pang peste. Kadalasang nilalagyan ng gamot o treatment ang mga kulambo na siyang pumapatay o nagpapaalis ng mga lamok.
Bakit Dapat Gumamit Ng Treated Mosquito Nets?
Nagsisilbing pisikal na barrier ang treated mosquito nets mula sa mga elementong maaaring makaapekto sa kalakasan ng iyong mga halaman at mahal sa buhay. Kilala ang treated mosquito nets bilang panangga mula sa mga peste. Upang mas maintindihan kung bakit mahalang mamuhunan sa mga kulambo, dapat maintindihan muna natin kung anu-ano nga ba ang mga sakit na nilalabanan nito?
Dengue
Tuwing tag-ulan sa Pilipinas, nagiging uso ang malubhang sakit na dengue. Ayon sa Department of Health, bumaba ang numero ng mga kaso ng dengue sa bansa sa gitna ng pandemya. Gayunpaman, mayroon pa ring posibilidad na magkaroon ng dengue, lalo na kung ikaw ay nakatira sa Maynila.
Nakukuha ang dengue fever sa kagat ng mga lamok. Upang makaiwas sa dengue, kailangan mong linisin ang iyong kapaligiran nang mabuti. Kailangan ding iwasan ang pag-iiwan ng stagnant na tubig sa iyong bahay. Sa tulong ng treated mosquito nets, makakaiwas ka sa mga lamok na maaaring magdala ng dengue. Makakahinga ka ng maluwag dahil may pisikal ka na proteksyon sa mga lamok. Maaari ding gamitin ang mosquito nets bilang takip sa mga drum ng tubig upang makaiwas sa panganganak ng mga lamok at paglaki ng mga kiti-kiti sa tubig.
Malaria
Isang malalang sakit ang malaria at tunay itong nakamamatay kung hindi agad maagapan. Ang magandang balita ay malaki ang pagbawas ng mga kaso ng malaria sa bansa sa nakalipas na dalawang dekada. Bumaba ng 87 porsyento ang numero ng mga kaso sa Pilipinas mula ng 2003. Mula 48,569, mahigit anim na libong kaso na lang ng malaria ang naitala sa ating bansa.
Malaki man ang pagbaba ng mga kaso ng malaria, hindi na masama ang pag-iingat lalo pa’t nagiging common ang pagbabalik ng mga nakalipas nang mga sakit. Kung gumamit ka ng treated mosquito nets, hindi makakalapit sa iyo ang mga lamok na maaaring magdala ng malaria.
Rabies
Hindi lamang maliliit na insekto ang naiiiwasan sa tulong ng treated mosquito nets. Mahihirapang makapasok sa iyong garden o patio ang iba pang mga hayop na maaaring magdala ng malalang sakit gaya ng rabies. Dapat pakatandaang hindi lamang mga aso ang posibleng mayroong rabies, kundi pati na rin ang mga dagang madalas mahahanap sa sarili nating mga tahanan.
Epektibo ang treated mosquito nets upang hindi makalapit sa iyo ang mga hayop na ligaw.
Maaari kang makampante dahil alam mong ligtas ka sa mga posibleng sakit na makukuha sa mga galang mga hayop at insekto.
Mamuhunan Sa De-Kalidad Na Mosquito Net
Sa pagbili ng mosquito nets, dapat na pumili ng paniguradong pangmatagalan. Mamuhunan para sa kaligtasan ng iyong mga mahal sa buhay. Imposible mang maiwasan ang pagkakasakit, malaking bagay ang pagkakaroon ng proteksyon sa tahanan.
Kung hanap ay matitibay na nets na abot-kaya, piliin ang mosquito nets ng Philippine Ranging Nets at magtimpla ng sariling DIY treatment upang gawin itong pest-proof.
Bisitahin ang aming website para sa mas malawak na katalogo ng aming de-kalidad na nets.