21-Day Conditioning Program: Ihanda sa Laban ang Iyong Manok na Panabong
Post published:November 1, 2022
Laging sinasabi na swertihan lang ang laro ng sabong. May katotohanan man ito, hindi sasapat ang basta-bastang pagtaya ng base sa swerte. Lalo na kung seryoso ka sa pagsasabong, kailangan mong aralin ang mga tamang paraan upang alagaan at i-train ang iyong alaga. Ang tinatawag 21-day conditioning program ay isa sa mga pinakamainam naparaan upang ihanda ang manok para sa kanyang laban.
Sa article na ito, alamin kung paano mo mapapabuti ang pangangatawan ng iyong manok sa loob lamang ng tatlong linggo.
21-Day Conditioning Program — Paano Nga Ba Ginagawa?
Ano angsteps na dapat daanan sa loob ng 21-day conditioning program? Basahin ang sumusunod upang magkaroon ng ideya:
Bago magsimula ang 21-Day Conditioning Program: Pumili ng manok
Kailangan mongsuriing mabuti kung aling manok ang pwede para sa 21-day conditioning program. Pumili ng manok na malusog at malakas ang tiwala sa sarili.
Sa ikatlong araw, kailangan mong timangin ang iyong manok para ma-track mo ang progress nito. Sa susunod na araw, isabak mo sila sa isang laban at i-record ang kanilang performance. Ibalik sa rotation at iiwas salaban ang manok ng tatlong araw.
Day 8: Isabak ito sa laban
Sa ikawalong araw, isabak mo uli ang iyongmanok sa isang laban at suriin ang performance nito. Bigyan mo ng supplements at electrolytes paramaging malakas ito. Huwag mo na itong bigyan ng pagkain sa hapon.
Days 9 to 10: Purgahin ulit ang alaga
Muli mong ipurgaang iyong manok mula sa bacteria upang lumakas ang resistensya nito. Kailangan ito upang tiyakin na panglaban ito sa potensyal na sakit. Bigyan ito ng mga supplements ng dalawang araw para mapakondisyon sa susunod na laban.
Days 11 to 13: Laban ulit
Isama ulit ang manok sa rotation sa ika-11 na araw. Isabak ito sa laban sa ika-12 na araw at payagang magpahinga sa susunod na araw.
Day 14: Huling sparring day
Isabak muli sa laban ang iyong manok sa ika-14 na araw. Dapat may improvement na sa performance ng iyong manok.
Day 15: Delousing
Sa mga susunod na araw, kailangang magpahinga ng iyong manok. Paliguan mo ito nang mabuti sa ika-15 na araw.
Day 16: Mild na exercise
Tatlong araw bago ang tunay na laban, kailangan mong bigyan ng kaunting exercise ang iyong alaga. Bigyan mo rin ito ng anti-stress medicine para maging kalma.
Days 17 to 21: Carbo-loading
Bago ang laban, kailangan ng maraming carbohydrates tulad ng mais at palay ng iyong alaga. Importante na makakain sila ng marami upang maging handa sa laban.
Bukod sa 21-Day Conditioning Program, Bigyan ang Alaga ng Maayos na Lugar
Esensyal na parte ng pag-aalaga sa mga manok ang 21-day conditioning program. Bukod sa programang ito, importante na alagaan mong mabuti ang iyon mga manok.
Sa tulong ng chicken fencing, mabibigyan mo ngkalayaang umikot ang iyong mga alaga at matitiyak mo na sila ay ligtas. Kung nais mong bumili ng kalidad ngunit murang chicken nets, suriin mo ang Philippine Ranging Nets. Madami kaming mgachicken nets na perpekto para sa iyong sakahan o bakuran.