Isa sa pinaka-challenging na panahon ang tag-init, hindi lamang para sa mga napakaraming plantito at plantita kundi pati na rin sa mga bihasang gardeners ng Pilipinas. Sa tindi ng init ng araw, laging nasa peligro ang mga halaman at pananim kung walang tamang garden nets ang mga ito.
Marami ka mang mahanap na gardening tips online, iba pa rin ang aktwal na pag-aalaga ng mga halaman at pananim sa sarili mong home garden o farm lalo na dito sa Pilipinas. Una sa lahat, dapat mong matutunan ang tamang paggamit ng garden nets. Syempre, kasama dito ang tamang sukat ng iyong mesh para masiguro ang tamang sikat ng liwanag na pumapasok sa iyong nursery. Pwedeng matuyo ang iyong mga pananim sa sobrang init o ‘di kaya mamatay kung walang sapat na liwanag.
Para sa mga baguhang hardinero, narito ang ilang kaalaman tungkol sa pagbibigay ng tamang lilim sa iyong halaman gamit ang garden shade nets.
Bakit importante ang garden nets?
Sa pangalan pa lang ay malalaman mo na kung para saan ang garden nets, pero may ilang paraan sa tamang paggamit ng mga ito. Ang layunin ng garden nets ay protektahan ang iyong mga pananim hindi lamang sa sikat at init ng araw kundi pati na rin sa hangin, pabago-bagong temperatura, mga peste, at ligaw na hayop.
Dahil sa dami ng gamit nito para sa iyong mga halaman at pananim, dapat lang na pumili ng de-kalidad na garden nets na may tamang mesh size at fabric density. Malimit gawa sa polyethylene fabrics ang garden shade nets upang maging resistant sa sinag ng ultraviolet radiation.
Tuwing tag-init, nasa tuktok ng gardening tips lagi ang garden nets na pwedeng gamitin para pang-takip sa iyong home garden frames o greenhouses. Katulad nating mga tao, kailangan rin ng mga halaman ang tamang temperatura para hindi magkasakit lalo na ang mga maliliit na flowering plants.
Kung hindi gagamit ng shade nets para sa iyong halamanan, lalo na sa tindi ng init sa Pilipinas, asahang hindi magiging maganda ang tubo ng iyong mga alagang halaman o pananim.
Mga dapat tandaan sa paggamit ng garden shade nets
Ang mga premium na garden shade nets tulad ng mga matatagpuan sa Philippine Ranging Nets ay may iba’t ibang kulay at porsyento ng fabric density.
Ang mga pananim na gulay tulad ng kamatis, kalabasa, at sili, maging ang ilang flowering plants ay nangangailangan ng 30 hanggang 50 na porsyento na partial shade mula sa berdeng garden shade nets. Ang garden nets na mayroong mas madilim na kulay ay ginagamit bilang filters na binabawasan ang sinag ng araw pero kinukulob naman ang init sa loob.
Para naman sa mga ornamentals ng mga plantito at plantita na may home gardening sa Pilipinas, garden shade nets na may light density na 70 hanggang 90 na porsyento ang mas mainam.
Kailangan panatilihing ang nararapat na sinag ng araw at temperatura sa iyong mga pananim para makatulong sa proseso ng photosynthesis. Basta’t tama ang ginagamit na garden nets, mas bibilis ang pagtubo ng iyong mga halaman at gulay sa nursery man o sa greenhouse.
Ilan pang gardening at shade net tips
Ang home gardening sa Pilipinas ay iba kung ikukumpara sa mga karatig bansa. Dahil mas mataas ang sikat ng araw sa atin, mas makakabuti na gumamit ng mas mataas na porsyento ng garden shade nets lalo na sa tag-init.
Isa pang useful gardening tip: kung gagamit ng may 50 hanggang 75 porsyentong shade net, mag-fogging o misting sa katirikan ng araw para mapanatili ang tamang moisture ng mga halaman.
Higit sa lahat, gumamit ng subok na garden shade nets kesa sa mga telang retaso na ginawang panilong. Mas maasahan ang mga ito ng pangmatagalan at mas mainam para sa home garden, greenhouse, pati na rin sa raised bed gardens. Bukod dyan, mas maganda rin itong tingnan, mas sulit sa gastos, at madali pang gamitin.
Para sa iba pang gardening tips at maging tunay na rewarding ang pag-aalaga ng mga pananim, pumili ng nararapat na garden shade nets sa Philippine Ranging Nets!