Alam mo bang masustansya ang pagkain ng backyard chickens? Dahil alam mo ang mga kinakain ng iyong mga manok, nakakasigurado kang safe ito para sa iyo at iyong mga mahal sa buhay. Magandang pangangalakal ang organic chicken farming, at maaari mo pang mapakain ng masarap ang iyong pamilya. Maraming best Pinoy chicken recipes na pwede mong subukan, ngunit ano nga ba ang mga sikat na recipes na magugustuhan ng marami?
3 Best Pinoy Chicken Recipes Para Sa Lahat
Kung nais mong magpakain ng masasarap na lutong Pinoy, ito ang ilan sa mga best Pinoy chicken recipes na paniguradong swak sa masa:
1. Chicken Tinola
Simple ngunit malasa, sikat sa hapagkainan ng mga Pinoy ang chicken tinola. Mura at madali lang hanapin ang mga sangkap para rito, kaya’t kilala ito bilang isa sa mga best Pinoy chicken recipes na abot-kaya para sa lahat.
Mga sangkap:
- Manok, tinola cut
- Tubig mula sa sinaing
- Berdeng papaya
- Bawang
- Sibuyas
- Luya
- Patis
- Paminta
- Dahon ng paminta o malunggay
Igisa ang sibuyas, bawang, at luya. Lutuin ang manok hanggang maging light brown. Idagdag ang patis at tubig na mula sa sinaing. Hayaan itong kumulo, hinaan ang apoy, at takpan ang palayok. Ipa-simmer ito ng 45 na minuto. Pagkatapos, isama ang papaya at dahon ng paminta o malunggay. Haluin at dagdagan ng paminta at patis hanggang makuha ang nais mong lasa.
2. Adobong Manok
Kung baguhan ka sa pagluto, isa sa mga best Pinoy chicken recipes para sa iyo ang adobong manok. Malinamnam ngunit madaling lutuin, isa itong classic na magugustuhan ng marami.
Mga sangkap:
- Manok, adobo cut
- Chicken cube
- Bawang
- Suka
- Toyo
- Paminta
- Dahong laurel
- Tubig
- Mantika
- Asukal
Ipagsama ang manok, bawang, paminta, dahong laurel, toyo, suka, at tubig sa isang palayok. Ipaghalong mabuti upang maging malasa ang manok at hayaan itong kumulo. Idagdag ang chicken cube at asukal, at lutuin pa ng 20 na minuto. Pagkatapos ay iprito saglit ang manok, isang minuto bawat side. Isama ang adobo sauce pagkahango sa manok. Pakuluin ulit ito hanggang lumapot ang sauce.
3. Chicken Inasal
Kung mahilig ka sa pagkaing ilonggo, ang chicken Inasal ang isa sa mga best Pinoy chicken recipes na dapat mong subukan. Kailangan mo ng kaunting panahon para sa pag-marinate, pero tunay na worth it ang paghihintay.
Mga sangkap para sa marinade:
- Manok, cut na pang-ihaw
- Luya
- Bawang
- Tanglad
- Suka ng niyog
- Calamansi juice
- Asin
- Brown sugar
- Lemon soda
- Paminta
Mga sangkap para sa basting sauce:
- Atsuete oil
- Margarine
- Asin
- Calamansi juice
Ipaghalo ang mga sangkap ng manok sa isang freezer bag o malaking mangkok. Iwan ito ng isa hanggang tatlong oras. Ipagsama sa isang bowl ang mga sangkap ng basting sauce. Ihawin ang manok habang nilalagyan ng basting sauce. Kainin ang manok ng may sinamak.
Para Sa Mas Maayos na Pagpapalaki ng Backyard Chicken, Subukan ang PRN Nets
Mukha mang madaling gawin ang best Pinoy chicken recipes na mga ito, ang hirap ay nasa pag-aalaga ng manok at pagpapanatiling ligtas itong ipangkain. Upang maging mas thorough ang pag-aalaga mo, gumamit ng chicken nets mula sa Philippine Ranging Nets.
Ang PRN ay isang leading supplier ng mga abot-kaya at matitibay na chicken nets. Kami ang preferred brand ng ilan sa mga pinakamalalaki’t pinaka-successful na chicken breeders sa banda. I-check ang aming katalogo ng chicken nets at umorder na ng swak para sayo.